Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PaghihintayHalimbawa

Paghihintay

ARAW 6 NG 7

Mahilig ka bang magmadali?

Ang personality mo ba, mahilig magmadali, o mas sanay kang mabagal gumalaw at mag-desisyon? Iba-iba ang personalities natin; may mga taong mabilis talaga gumawa ng desisyon, mayroon namang nag-iisip muna bago mag-decide. Mayroon naman mabilis kumilos, at mayroon namang mas toned down at parang mas relaxed—na kung minsan ay napagkakamalan nating tinatamad!

Bakit namin na-bring up ito? Kung nasa isang siyudad ka nakatira, malamang sanay ka sa mabilis na lifestyle. Lalo pa itong nare-reinforce dahil halos lahat ngayon instant na lang natin nakukuha: may mga fast food na within 5-10 minutes, ready na ang food natin; may ATM na makaka-withdraw tayo ng money anytime, anywhere; may mga instant noodles, microwaveable meals, at instant messenger.

Iba ang lifestyle sa probinsya, usually slower ang pace ng life doon. Totoo bang kailangang mabilis ang lahat?

To be honest, hindi laging tama ang mindset na masama ang hindi agad makuha ang gusto natin. May oras na we’re tempted na piliting makuha ang mga iyon sa pinakamadaling panahon. Ang nangyayari, nauunahan na natin ang plano ni Lord para sa atin. Alam mo ba, minsan mas may power ang matutong maghintay kay Lord.

Tingnan natin ang verse na ito:

PANGINOON, akoʼy naghihintay sa inyo, at umaasa sa inyong mga salita. (Salmo 130:5 ASND)

Ano ba ang minamadali mo ngayon na alam mong kailangan mong hintayin kay Lord? I-practice mong ibigay ito sa Kanya! Puwede mong isulat ang mga ito sa isang notebook or journal. Hindi madali ang matutong maghintay kay Lord, pero slowly, if everyday mong ipa-practice ito, mas magiging habit siya.

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Paghihintay

7-day Reading Plan Patungkol sa Paghihintay

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day