Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at KatotohananHalimbawa

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at Katotohanan

ARAW 6 NG 6

Pray for Health and Healing

Basahin: 1 Cronica 29:20, 28A

20 Pagkatapos, sinabi ni David sa lahat ng tao, “purihin nýo ang Panginoon na inyong Diyos.” Kaya pinuri nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Yumukod sila at nagpatirapa bilang pagpaparangal sa Panginoon at sa kanilang hari.

28 Nabuhay siya ng matagal, mayaman at marangal. Namatay siya nang matandang-matanda na…

Pagnilayan:

1. Ano ang pananaw ni Haring David sa buhay at kalusugan?

2. Paano siya nagsumamo para ang iba ay sumamba sa Diyos?

3. Basahin ang Salmo 30:1-5. Ito ang panalangin ni David sa pagtatalaga ng Templo—paano siya humingi ng kagalingan?

1 Panginoon, pupurihin ko kayo. Hindi nýo pinayagang insultuhin ako ng aking mga kaaway.

2 Panginoong kong Diyos, humingi ako ng tulong sa inyo, at pinagaling nýo ako.

3 Iniligtas nýo ako sa kamatayan. Hindi nýo niloob na akoý mamatay.

4 Umawit kayo ng papuri sa Panginoon, kayong mga tapat sa kanya. Papurihan ninyo ang kanyang banal na pangalan.

5 Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal, ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman. Maaaring sa gabi ay may pagluha, pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Isabuhay:

Ang panalangin ni Haring David ay nagpapakita ng kanyang hangaring sumamba sa Diyos na mag-isa. Kahit sa kahirapan o kapayapaan, sakit o mabuting kalusugan, kaguluhan o katahimikan, namuhay sa David sa pamamagitan ng Diyos at para sa Diyos. Sa ating pamumuhay para sa Panginoon, binibigyan Niya tayo ng kalakasan at kagalingan ng ating mga katawan, pagtibayin ang ating mga isip, bantayan ang ating mga puso, at bigyan tayo ng isang buhay na maayos para sa Kanyang kaluwalhatian.

1. Paano ko sasambahin ang Diyos sa kabila ng mga hamon sa buhay (sakit, kahinaan, damdaming nasasaktan, o mga ibang pagsubok?)

2. Magkakaroon ako ng oras para ipanalangin ang mga may sakit, at nangangailangan ng kagalingan at kaligtasan.Sa pamamagitan ng pananampalataya, ipagdarasal ko sina _________.

(Pangalanan ang bawat tao at ipagdasal sila, halimbawa, tuwing Lunes simula sa linggong ito para sa susunod na 6 na buwan.)

3. Ano ang kailangan kong isabuhay ngayon para ako makapagtapos ng maayos balang araw?

Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Timebound (SMART) commitments. Halimbawa: “Mananalangin ako araw-araw, matutulog ng 7-8 oras, kakain ng malulusog na pagkain, at pananatilihin ko ang mabuting relasyon sa aking mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oras para sa kanila tuwing Sabado.”

Ipanalangin:

Aminin natin na hindi tayo karapat-dapat na humarap sa Panginoon. Aminin natin ang mga oras na umasa tayo sa ating sariling kayamanan at kaalaman, sa halip na unang lumapit tayo sa Diyos para ating kagalingan at kalusugan.

Kagalingan sa damdamin at kaisipan:

  • Aminin natin na may mga oras na hinahayaan nating panghinaan tayo ng mga pag-aalala, umaasa tayo sa ating sariling kayamanan at kaalaman para ating kagalingan at kalusugan sa halip na lumapit sa Diyos.
  • Magkaroon ng oras para ipagkatiwala ang lahat ng iyong kabalisahan sa Panginoon: panghihina ng loob, pagkabahala, mga pagkukulang, o takot na sumisira sa ating relasyon sa Diyos.
  • Maaaring may alam kang tao o mga tao na dumadaan sa mapagpahamong nagsasaktang damdamin at nalilitong kaisipan. Pangalanan at ipanalangin sila sa Paninoon sa kanilang kagalingan—at kaligtasan kung hindi pa nila kilala si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Kagalingan sa Katawan:

  • Ipanalangin natin ang kagalingan — para sa atin at sa iba — manalig tayo na ang Diyos ay nagpapagaling sa Kanyang sariling oras at paraan. Sa halip na sabihin sa Kanya kung paano Niya tayo pagagalingin o ating mga mahal sa buhay, manalangin tayo ng may pananampalataya tulad ng isang bata—nananalig ng ang Diyos ay ating Manggagamot noon, ngayon, at magpakailanman.
  • Hingin sa Panginoon ang tagumpay sa iyong kalusugan at kagalingan—manalangin para sa isang pusong naghahanap sa Kaharian ng Diyos higit sa lahat; sa gabay ng Banal na Espiritu sa iyong buhay upang tapat mong magawa ang iyong parte para pangalagaan ang iyong katawan na Kanyang templo.
  • Ipanalangin sa Panginoon na magkaroon tayo ng mabuting kalusugan sapagkat ginagawa natin ang ating parte ng kumain ng tama, matulog ng sapat, regular na nageehersisyo, at araw-araw na inaalagaan ang ating kaluluwa (mga espirituwal na disiplina, pagmumuni-muni, katahimikan at pag-iisa sa harap ng Panginoon, at higit pa).

Kagalingan sa Relasyon:

  • Ipanalangin ang ating mga relasyon; na matuto nating mahalin ang mahirap mahalin at maging tulad ni Cristo sa mga taong hindi maayos ang pakikitungo sa atin o mga taong pinag-iisipan tayo ng masama.
  • Hingin sa Diyos ang isang pusong mapagpakumbaba na umaaming may mga oras na tayo mismo ay nagiging kaaway (nanlalaban, nang-iinsulto, nananakit, at iba pa) sa isang tao at hangarin nating magkaroon ng pagkakataong gumawa ng pagbabago at maibalik ang mabuting relasyon.
  • Ipanalangin sa Diyos na bigyan tayo ng tagumpay sa mga sumusunod:
    • Pag-aaway sa pamilya, sa trabaho/eskuwela, sa mga kaibigan, o kasama sa Dgroup
    • Hindi pagpapatawad
    • Sama ng loob nang masaktan sa nakaraan
    • Pagnanasang maghiganti
    • Nagmamayabang, nagpapalusot, pinangangatwiranan ang kasalanan
    • Mapang-abuso o nananakit sa iba
    • Mga atake ng kaaway, impluwensiya ng demonyo
  • Hingin sa Panginoon na magtagumpay ka sa paghingi ng kapatawaran ng Diyos, pagkakasundo, at pagkakabalikan pagkatapos ng salungatan o sakit; hayaan ang Banal na Espiritu na tulungan kang espirituwal na muling makabagangon, magkaroon ng bagong lakas at pagsisikap na sundin Siya ng tapat.

Maka-Diyos na Pamana:

  • Mamuhay tayo para sa kaluwalhatian ng Diyos at mag-iwan ng maka-Diyos na pamana sa mga susunod na heneresyon.
  • Magdisipulo ng mga magdidisipulo sa lugar na mayoon tayong impluwensiya, lalo na sa ating mga pamilya.
  • Baguhin tayo ng Diyos ayon sa gusto Niya sa atin at magawa ang nais Niyang gawin natin.
  • Para marinig si Jesus kapag tayo na nasa langit na: “‘Magaling, isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halika’t makibahagi sa aking kaligayahan!’ (Mateo 25:21).
Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at Katotohanan

Sa 1 Cronica 29, inilarawan ni David ang kadakilaan, kapangyarihan, at grasya ng Diyos, maging ang kabutihang-loob Niya sa mga nananalig sa Kanya. Tayo na't tunghayan ang mga panalangin ni David at danasin ang pambihirang tagumpay mula sa Diyos, saksihan ang Kanyang mga himala, at tanggapin ang Kanyang mga sagot sa iyong dasal habang nagninilay sa Kanyang mga salita at kahanga-hangang gawa sa panalangin at pag-aayuno.

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph