Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at KatotohananHalimbawa

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at Katotohanan

ARAW 1 NG 6

Pray for the Country and Nations

Basahin: 1 Cronica 29:10-11

10 Pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “O Panginoon, Diyos ng aming ninuno na si Jacob, sa inyo ang kapurihan magpakailanman! 11 Makapangyarihan kayo, kagalang-galang, dakila, at kapuri-puri! Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa. Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Pagnilayan:

1. Anong ibig sabihin ang panalangin ni Haring David? Bakit niya pinupuri ang Panginoon? Basahin ang 1 Cronica 28:1-8:

28 Tinipon ni David sa Jerusalem ang lahat ng mga pinuno ng Israel, lahat ng pinuno ng mga lipi, lahat ng namamahala ng mga pangkat na naglilingkod sa hari, ang mga pinuno ng mga libu-libo at mga pinuno ng mga daan-daan. Tinawag din niya ang mga katiwala ng mga ari-arian, at ng mga kawan ng hari, at ng mga anak niya, lahat ng mga may tungkulin sa palasyo, lahat ng matatapang na lalaki, at lahat ng mahuhusay na mandirigma.

2 Nangnaroon na ang lahat, tumayo siya at nagsalita, “Mga kapatid at mga kababayan, matagal ko nang minimithi na magtayo ng isang permanenteng tahanan para sa Kaban ng Tipan na siyang tuntungan ng Diyos nating si Yahweh. Inihanda ko na ang lahat ng kailangan upang maitayo ito.3 Ngunit sinabi sa akin ng Diyos na hindi ako ang magtatayo ng Templo para sa kanya sapagkat ako'y isang mandirigma at may bahid ng maraming dugo ang aking kamay.4 Subalit sa sambahayan ng aking ama, ako ang pinili ni Yahweh, ang Diyos ng Israel upang maghari sa bansang ito magpakailanman. Ang pinili niyang mangunguna ay si Juda, at nagmula sa lipi nito ang pamilya ng aking ama. Sa amin namang pamilya, ako ang kanyang itinalaga para maging hari ng buong Israel.5 Binigyan ako ni Yahweh ng maraming anak at mula sa kanila, si Solomon ang pinili niya upang umupo sa trono ng Israel, ang kaharian ni Yahweh.6 Ang sabi niya sa akin, ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magtatayo ng aking Templo, sapagkat siya ang pinili kong maging anak, at ako naman ang magiging ama niya.7 Patatatagin ko ang kanyang kaharian magpakailanman kung patuloy niyang susundin ang aking mga utos at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon.’8 Kaya nga, sa harapan ng buong Israel na bayan ni Yahweh, at ng Diyos na ngayo'y nakikinig, inaatasan ko kayo na sundin ninyong mabuti ang kautusan ng Diyos ninyong si Yahweh upang manatiling sa inyo ang masaganang lupaing ito at maipapamana naman ninyo sa inyong mga salinlahi magpakailanman.

2. Anong nilalaman ang dasal ni Haring David? Anong mapapansin mo sa kanyang panalangin?

3. Pinagtuunan ni Haring David ang pitong katangian ng Diyos sa kanyang panalangin. Magkaroon ng oras para sa Panginoon para sambahin at purihin kung sino Siya at kung paanong ang bawat katangian Niya ay mauugnay sa iyong buhay ngayon:

  • Kadakilaan
  • Kapagyarihan
  • Kaluwalhatian
  • Katagumpayan
  • Kamahalan
  • Kapamahalaan
  • Pinuno ng lahat

Isabuhay:

Naghahanda si Haring David para itayo ang Templo ng Diyos, at pinasinayaan niya ito sa pamamagitain ng panalangin. Pinatawag niya ang lahat ng tao para sumama sa mahalagang oras na ito sa kasaysayan ng Israel bilang isang patotoo sa kadakilaan ng Diyos. Hindi lang ito isang lugar sambahan ng mga tao ng Diyos, kundi dito rin makikilala ang Diyos ng lahat ng grupo ng mga tao sa mundo.

1. Paano ako nananalangin para sa aking bansa at para sa mundo?

2. Sa anong paraan ko maipakikilala ang Diyos sa lugar na kinalalagyan ko? (Sa aking kapitbahayan, komunidad, lokal na pamahalaan, lungsod, lugar ng trabaho, o eskuwela?)

Sa pamamagitan ng pananampalataya, gagawin ko…
Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.

Halimbawa: “Bilang isang tagasunod ni Kristo, gagawin ko ang aking parte sa pagpapahayag ng pag-ibig ni Jesus sa aking komunidad sa pamamagitan ng pagboboluntaryo sa isang feeding program buwan-buwan.”

3. Paano ko masusuportahan ang lokal at internasyunal na mga misyon para maihayag ang Mabuting Balita? Ano ang aking parte sa paghahayag ng Mabuting Balita para makilala ang Diyos bilang pinuno ng lahat?

Sa pamamagitan ng pananampalataya, gagawin ko…
Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.

Halimbawa: “Ako ay magdarasal, magbibigay, at magboluntaryo para sa isang short term missions trip upang maipayahag ang Salita ng Diyos sa mga taong di pa nakakakilala kay Kristo.

Ipanalangin:

Manalangin para sa Mundo:

  • Ipanalangin ang mundo - kabilang ang mga ibang bansa at pamahalaan, na ang lahat ay magtiwala sa Panginoon para mapagtagumpayan ang mga kasalukuyang hamon sa ekonomiya, at magkaroon ng kapayapaan sa mga may pag-aaway, digmaan, at naghihirap na bansa:
    • Israel, Palestine, Lebanon
    • Ukraine and Russia
    • Armenia and Azerbaijan
    • Iraq, Iran, Afghanistan
    • Myanmar, the Rohingya nation
    • Sri Lanka
    • Sudan, Nigeria
    • West Philippine Sea at mga sangkot na bansa
    • Iba pang mga bansa na nahaharap sa kaguluhan
  • Ipanalangin na bawa’t bansa ay makakilala sa Panginoong Jesu-Kristo sa pamamagitan ng Kanyang mga tao, na siyang nagpapahayag ng katotohanan ng Salita ng Diyos at nagiging halimbawa ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang buhay.

Ipanalangin ang Pilipinas:

  • Ipagdasal ang mga mamamayan ng ating bansa—na lahat tayo ay matutong magtiwala sa Diyos ng buong puso at mamuhay bilang mga mananalangin at masunuring lalaki at babae na nakay Kristo. Nawaý ang bawat Pilipino ay manalig kay Kristo para magkaroon ng tunay na kaligtasan at pagbabagong buhay.
  • Ipanalangin ang ating bansa—kasama ang mga nanunungkulang lider, na lahat tayo ay lumapit sa Panginoon at sundin ang Kanyang kalooban para mapagtagumpayan ang mga problemang patuloy na nararanasan ng ating bansa.
  • Ipanalangin ang mga ehekutibo, lehislatibo, at hudikaturang mga pinuno na panindigan ang mga pagpapahalaga ng Bibliya at maging halimbawa ng maka-Diyos na ugali, kakayahan, hustisya, pananagutan, at pamilya - para sila ay maglingkod na may integridad, karunungan, katapatan, proteksiyon, at gabay:
    • Ang Presidente, Bise Presidente, Mga Gabinete, at mga tagapayo
    • Mga Senador at Kongresista
    • Ang Punong Hukom at lahat ng hukom
    • Ang Militar at Polisya
    • Ang Lokal na Pamahalaan at mga Opisyal ng Barangay

Mga pangunahing problema ng bansa:

  • Nararapat na pamamahala ng kagipitan at pagpapanatiling matatag ang ekonomiya.
  • Nakawan at katiwalian sa gobyerno, pangangalakal ng mga ilegal na droga, trabahong sapilitan, bentahan ng tao
  • Di maka-Diyos na pagpapahalaga, pagbaba ng moralidad, moral decline, materyalismo, pagsamba sa diyus-diyosan.
  • Mga hadlang sa ekonomiya, mataas na presyo ng gasolina, inflation, transportasyon at problema sa trapik, mga panukalang batas na kontra sa salita ng Diyos at kalooban ng Diyos.
  • Para mas maraming Pilipino sa lahat ng antas ng buhay ay maligtas, madisipulo, at mapanatili silang may tunay pag-ibig sa Panginoon.

Manalangin na gawin mo ang iyong bahagi sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos dito sa mundo tulad nang sa langit:

  • Hangarin ang gabay ng Panginoon sa Kanyang ginagawa sa iyong komunidad. I-alay mo sa Kanya ang iyong gawain at maging isang kinatawan ng Kanyang Kaharian; maging handa sa pagsunod sa Kanya kung saan ka man Niya dalhin at anuman ang Kanyang ipagagawa sa iyo.
  • Magsikap ng maging mahusay sa eskuwela o sa trabaho--ginagawa ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos.
  • Maglingkod sa iyong lugar ng trabaho o komunidad (magsimula ng isang Bible study, mamuno ng oras ng pananalangin o gumawa ng mabuti sa lugar ng iyong trabaho o kapitbayahan).
  • Manalangin para sa isang pamumuhay na sumusunod sa Salita ng Diyos at nagsasagawa ng ebangelismo at pagdidisipulo kung saan mayroon kang impluwensiya: pamilya, komunidad, lugar ng trabaho, at bansa.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at Katotohanan

Sa 1 Cronica 29, inilarawan ni David ang kadakilaan, kapangyarihan, at grasya ng Diyos, maging ang kabutihang-loob Niya sa mga nananalig sa Kanya. Tayo na't tunghayan ang mga panalangin ni David at danasin ang pambihirang tagumpay mula sa Diyos, saksihan ang Kanyang mga himala, at tanggapin ang Kanyang mga sagot sa iyong dasal habang nagninilay sa Kanyang mga salita at kahanga-hangang gawa sa panalangin at pag-aayuno.

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph