Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at KatotohananHalimbawa
Pray for Personal Growth
Basahin: 1 Cronica 29:17-18
17 O aking Diyos, alam ko pong sinasaliksik nýo ang aming puso at nasisiyahan kayo kapag nakikita nýong tapat ito. Kaya tapat at kusang-loob ang pagbibigay ko sa inyo ng mga bagay na ito. At nagagalak po ako dahil nakita kong kahit ang mga mamamayan ninyong narito ay kusang-loob na nagbigay. 18 O PANGINOON, ang Diyos ng aming mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, palagi nýo po sanang ilagay sa puso ng mga mamamayan Ninyo ang naising ito at tulungan nýo po sila na maging tapat sa inyo.
Pagnilayan:
1. Ayon sa panalangin ni David, ano ang unang hinahanap ng Panginoon sa buhay ng isang tao? (v17)
2. Basashin ang 1 Cronica 28:9-10. Ano ang sinabi ni David kay Solomon tungkol sa kanyang kapakanan?
9 “At ikaw, Solomon na anak ko, kilalanin mo at paglingkuran ang Diyos ng Iyong ama nang buong puso mo at sisp, dahil nakikita ng PANGINOON ang bawat puso ng tao at nalalaman niya ang ating layunin at pag-iisip. Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatakwil ka niya magpakailanman. 10 Kaya pag-isipan mong mabuti. Pinili ka ng PANGINOON para ipatayo ang templo para roon siya sambahin. Magpakatatag ka, at gawin mo ang gawaing ito.”
3. Paano natin susuriin ang ating mga puso para matiyak na sumusunod tayo sa plano at mga layunin ng Diyos? (v18) Ano ang humahadlang sa atin para isabuhay ang mga kaparaanan Niya?
Isabuhay:
Nang mangusap ang Diyos kay Haring David tungkol sa Kanyang plano para sa Templo, para itayo ito ng anak at tagapagmana ni David na si Solomon, sinuri muna ni David ang kanyang puso at ginawa rin niya ito kay Solomon. Tiniyak niya na ang kanilang buhay ay nagpapakita ng pagiging malapit sa Panginoon, pagkamatuwid, kagalakan, pagkamapagbigay, at katapatan. Nauunawaan niya na ang nais ng Panginoon ay mabuting pagkatao, hindi kaginhawaan o kaluwagan. Kailangan nating lumapit sa Panginoon higit sa lahat, i-alay sa Kanya ang ating buong puso at isip.
1. Magkakaroon ako ng oras para aminin sa Panginoon ang aking mga kasalanan, pagkukulang, at pagsisikap. Hihingin ko ang Kanyang kahabagan, biyaya, at pagbabago sa aking buhay.
2. Ayon sa panalangin ni David, paano ko pagbubutihin ang aking buhay batay sa mga sumusunod?
- Pagiging malapit sa Panginoon
- Pagkamatuwid (being above reproach)
- Integridad (walang kompromiso)
- Intentonality
- Kagalakan
- Pagkamapagbigay
- Katapatan
3. Anong mga ugali ang aking isasabuhay para mapangalagaan ang kabutihan ng aking espiritu, kaisipan, damdamin, at katawan?
Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.
Halimbawa: “Uumpisahan kong mag-prayer walk sa loob ng 10 minuto araw-araw sa paglalaan ng oras sa Diyos.”
Ipanalangin:
Personal na Tagumpay:
- Isabuhay ang presensiya ng Diyos sa bawat araw, sa bawat sandali, manalig sa Panginoon na may pagsuko at pagtitiwala.
- Isabuhay ang mga Spiritual Disciplines (pag-aaral ng Bibliya, pagdarasal at pag-aayuno, at regular na pagdalo sa Sunday services.)
- Manatiling puspos ng Banal na Espiritu at magabayan sa pamamagitan ng kaalaman ng Kanyang kalooban at karunungan.
- Magkaroon ng lakas at pagsisikap na lumayo sa mga gawaing makaka-abala sa akin para maranasan ng buo ang Diyos: sobrang pag-lalaro ng video games, social media (Facebook, Instagram, TikTok), libangan (Netflix), at hindi mabuting pagka-abala sa ating personal na oras at sa trabaho.
- Bigyan tayo ng Diyos ng espirituwal na tagumpay sa mga ito:
- Pagmamalaki, Pagiging makasarili, mga kasalanang tago
- Idolatriya, Pagka-sakim, Materyalismo
- Sekswal na kadalisayan, pagpipigil sa sarili, integridad
- Mga adiksyon (alkohol, droga, pornographiya, digital gaming, pagsusugal, atbp.)
- Masasamang impluwensiya, 'di maka-Diyos na mga relasyon, tsismis, paninirang-puri, pagsisinungaling
- Espirituwal na pakikidigma at pag-atake ng kaaway (mga pag-iisip at tendensya ng pagpapakamatay)
- Aminin at humingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan, pagkukulang, at anumang pagkaalipin o pagkagumon; hingin sa Diyos ang isang bagong buhay na may pagsisisi at pagsuko.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 1 Cronica 29, inilarawan ni David ang kadakilaan, kapangyarihan, at grasya ng Diyos, maging ang kabutihang-loob Niya sa mga nananalig sa Kanya. Tayo na't tunghayan ang mga panalangin ni David at danasin ang pambihirang tagumpay mula sa Diyos, saksihan ang Kanyang mga himala, at tanggapin ang Kanyang mga sagot sa iyong dasal habang nagninilay sa Kanyang mga salita at kahanga-hangang gawa sa panalangin at pag-aayuno.
More
Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph