Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at KatotohananHalimbawa

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at Katotohanan

ARAW 5 NG 6

Pray for the Family and Youth

Basahin: 1 Cronica 29:18-19

18 O PANGINOON, ang Diyos ng aming mga ninuno na sina Abraham, Isaac and Jacob, palagi nýo sanang ilagay sa puso ng mga mamamayan ninyo ang naising ito at tulungan nýo po sila sa maging tapat sa inyo. 19 Tulungan nýo rin po ang anak kong si Solomon na lalong maging tapat sa pagsunod sa inyong mg utos, katuruan at mga tuntunin, at sa paggawa ng lahat ng ipinatutupad Ninyo tungkol sa pagpapatayo ng templo na aking inihanda.”

Pagnilayan:

1. Bakit isinaalang-alang ang Panginoon bilang Diyos nina Abraham, Isaac, at Israel (Jacob)? (v18) Paano kumikilos ang Diyos sa gitna ng mga ibat-ibang henerasyong ito?

2. Ano ang panalangin ni Haring David para sa kanyang anak at tagapagmana na si Solomon? (v19)

3. Basahin ang 1 Cronica 28:6-8. Ano ang pangako ng Diyos kay Haring David sa kanyang paggabay sa kanyang anak tungkol sa gagawin ni Solomon?

6 Sinabi niya sa akin ‘Ang iyong anak na si Solomon ang magpapatayo ng aking templo, at ng mga bakuran nito. Sapagkat pinili ko siya na maging aking anak at akoý magiging kanyang ama. 7 At kung patuloy siyang susunod sa mga utos ko at tuntunin gaya ng ginawa niya ngayon, paghahariin ko ang kanyang angkan magpakailanman.’

8 Kaya ngayon, inuutusan ko kayo sa harap ng lahat ng Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, at sa presensya ng ating Diyos, na maingat nýong sundin ang lahat ng utos ng Panginoon na inyong Diyos. Kung gagawin nýo ito, patuloy na kayo ang magmamay-ari ng magandang lupaing ito, at ipamamana ninyo ito sa inyong mga angkan magpakilanaman.

Isabuhay:

Ang Panginoon ay Diyos ng maraming henerasyon at nais Niya ang Kanyang katapatan ay makilala ng lahat ng pamilya. Hindi lamang Niya ginabayan si Haring David kundi ginabayan din si Haring Solomon basta sila ay sumunod sa Kanyang puso at mga kaparaanan. Gayundin, mga miyembro ng ating pamilya ay ipinagkatiwala sa atin ng Diyos para mahalin, alagaan, at gabayan sila sa Panginoon. Kapag ang buhay natin ay nakatuon kay Jesus, ang ating pamilya ay tutuon din sa Kanya sa pamamagitan ng ating magandang halimbawa at maka-Diyos na pamumuhay.

1. Paano ako magiging isang mabuting halimbawa sa aking pamilya? Ano ang sisimulan kong gawin para pagpalain at gabayan sila na maging malapit sa Diyos?

Sa pamamagitan ng pananampalataya, gagawin ko…
Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.

Halimbawa: “Magsisimula akong magbigay ng oras para manalangin araw-araw, tanungin kung paano ako makakapanalangin para mga miyembro ng aking pamilya at alamin ang kanilang kalagayan.”

2. Hingin sa Panginoon: Sino sa aking pamilya ang aking mababahagian ng Salita ng Diyos sa linggong ito? (Ipanalangin, pangalanan ang bawat isa na magkaroon ng pagkakataong maibahagi ang Mabuting Balita)

3. Mayroon ba akong mahal sa buhay na kinakailangan kong makipagkasundo? Sa pamamagitan ng pananampalataya, ipapanalangin ko na magkaroon ako ng pagkakataong makausap sina…

(Pangalanan ang bawat isa)

Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.

Halimbawa: “Mag te-text o tatawagan ko sila sa linggong ito para kumustahin sila, humingi ng pasensiya at kapatawaran.”

Ipanalangin:

Panalangin para sa Pamilya:

  • Hingin sa Diyos na gamitin ka bilang daluyan ng Kanyang pagmamahal sa mga taong malapit sa iyo, kamag-anak, at mga miyembro ng pamilya:
    • Maging tulad ni Kristo sa asawa, magulang, anak, miyembro ng pamilya, kaibigan, at iba pa.
    • Gabayan ang ating mga pamilya at kaibigan sa mga kaparaanan ng Panginoon.
    • Maging puspos ng Banal na Espiritu para maipakita ang bunga ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili (Galacia 5:22-23).
    • Luwalhatiin at purihin ang Diyos sa lahat ng bagay, kahit sa mga mapaghamong relasyon sa ating mga pamilya.
  • Ipanalangin ang ating mga relasyon na ibigin natin ang hindi kaibig-ibig at maging tulad ni Kristo sa mga nagmamaltrato o nagiisip ng masama sa atin.
  • Aminin ang ating ugaling pagsasawalang-bahala ang ating mga relasyon at hindi pagpansin sa mga salungatan, mga relasyong nakakabahala, hindi pagpapatawad sa mga nakasakit sa atin, lalo na ang ating pamilya.
  • Hingin sa Diyos ang isang pusong mapagpakumbaba para aminin ang mga oras na nakagawa tayo ng masama sa isang tao at magkaroon ng pagkakataong makagawa ng mga pagbabago at maibalik ang mabuting relasyon.
  • Ipanalangin ng bigyan tayo ng Diyos ng tagumpay sa mga sumusunod:
    • Hindi pagpapatawad
    • Karanasang nakakasakit
    • Pagnanasang makapaghiganti
    • Kayabangan, pagtatanggol, pangangatwiran sa kasalanan
    • Pagiging abusado o nananakit sa iba
    • Mga atake ng kalaban, impluwensiya ng demonyo
  • Ipanalangin na simula sa linggong ito ay kausapin ang isang miyembro ng pamilya, kamag-anak, o kaibigan na kailangang makipagkasundo.
  • Ipanalangin ang mga mahal sa buhay: tulungan ang bawat isa at pahalagahan ang mga mabubuting katangian at gawa.
  • Tanungin ang bawat isa: “Paano ako bubuti? Nasaktan ba kita? Patatawarin mo ba ako?”, saka manalangin para sa isa’t isa.

Ipanalangin ang Kabataan:

  • Para sa mga kabataan sa iyong pamilya, sa ating iglesya, at ating bansa na makilala si Jesus sa panahon ng kanilang kahinaan, tapat na madisipulo sila, at magkaroon ng maka-Diyos na paniniwala at pag-uugali na maging mabuting impluwensiya sa mga henerasyon at bansa ayon sa mga layunin ng Diyos.
  • Ipanalangin sa Diyos ang ating mga kabataan sa mga bahaging sumusunod:
    • Kahusayan sa eskuwela at trabaho
    • Mabuting relasyon sa pamilya
    • Tagumpay laban sa pagkagumon sa (droga, pornograpiya, digital gaming)
    • Sekswal na kadalisayan at pagpipigil sa sarili
    • Mapagtagumpayan ang kalungkutan, pagkabalisa, at isip na magpagkamatay
  • Sadyain sa linggong ito na kausapin at ipanalangin ang isang kabataan

Ipanalangin ang mga ministry na nakatuon sa Pamilya at Kabataan:

  • Para ang mga pamilya ay ilagay si Jesu-Kristo, ang Kanyang pag-ibig at Kanyang Salita, sa gitna ng kanilang mga relasyon.
  • Mas maraming leaders at volunteers - lalo na ang mga magulang at buong pamilya - ang magsilbi sa ministry at makapagdisipulo ng mga ibang pamilya.

Singles Ministry:

  • Para ang bawat isa ay nakatuon kay Jesus at sundan ang Kanyang halimbawa para sadyang paglingkuran ang kanilang mga pamilya at kaibigan.
  • Para ang mga singles ay manatiling matatag at nakaugat sa Salita ng Diyos, tuparin ang Kanyang utos na magdisipulo; magsimula ng Bible studies sa kanilang lugar ng trabaho; maging tulad sila ni Kristo para sa lahat ng mga taong makakatagpo nila sa panahong ito ng kanilang buhay.

Children's Ministry:

  • Para ang mga bata ay lumago sa kanilang pag-ibig sa Diyos at sa Kanyang Salita, at tapat na maglingkod sa Kanya.
  • Para ang mga magulang ay mapalaki ang kanilang mga anak na may kaalaman at pag-ibig sa Panginoong Jesus.
  • Para mas maraming volunteers ang magturo at magsanay ng mga kabataan, maging halimbawa ng mabuting pagtrato at pagmamahal ng lubusan sa iba at maglingkod sa iba pa.
  • Para ang Diyos ay itatag ang mga kabataang lider na maging Kanyang servant leaders sa Kanyang Kaharian.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at Katotohanan

Sa 1 Cronica 29, inilarawan ni David ang kadakilaan, kapangyarihan, at grasya ng Diyos, maging ang kabutihang-loob Niya sa mga nananalig sa Kanya. Tayo na't tunghayan ang mga panalangin ni David at danasin ang pambihirang tagumpay mula sa Diyos, saksihan ang Kanyang mga himala, at tanggapin ang Kanyang mga sagot sa iyong dasal habang nagninilay sa Kanyang mga salita at kahanga-hangang gawa sa panalangin at pag-aayuno.

More

Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph