Manalangin sa Diyos ng Pagmamahal at KatotohananHalimbawa
Pray for the Church
Basahin: 1 Cronica 29:14-16
14 “Pero sino po ba ako at ang aking mga mamamayan na makapagbibigay kami ng nag-uumapaw na kaloob gaya nito? Lahat ng bagay ay nagmula sa inyo, at ibinabalik lamang namin sa inyo ang ibinigay nýo sa amin. 15 Nalalaman nýo, O Panginoon, ng pansamantala lang kami rito sa mundo gaya ng aming mga ninuno. Ang buhay namin ay gaya ng anino na hindi nananatili. 16 O Panginoon naming Diyos, ang lahat ng ibinigay naming sa pagpapatayo ng templo para sa karangalan ng inyong banal na pangalan ay nagmula rin sa inyo. Pagmamay-ari nýo ang lahat ng ito!”
Pagnilayan:
1. Suriin ang panalangin ni Haring David. Ano ang kanyang panananaw sa mga tao ng Diyos? Ano ang pagkukumpara niya sa kanila?
2. Basahin ang 1 Cronica 28:20-21. Paano nabigyan ng mga tungkulin ang mga tao para maglingkod saDiyos?
20 Sinabi rin ni David sa anak niyang si Solomon, “Magpakatatag ka at magpakatapang. Simulan mo na ang pagpapagawa. Huwag kang matakot o manlupaypay, dahil ang Panginoong Diyos, ang aking Diyos ay kasama mo. Hindi ka niya iiwan o pababayaan hanggan sa matapos ang lahat ng gawain para sa templo ng Panginoon. 21 Nakahanda na ang grupo ng mga pari at mga Levita para sa lahat ng gawain sa templo ng Diyos, at may mga tao rin na may kakayahang gumawa ng anumang gawain na handang tumulong sa iyo. Ang mga opisyal at ang lahat ng tao ay handang sumunod sa iyo.”
3. Ano ang ating tungkulin sa pagtatayo ng tahanan ng Diyos? Anong mga tiyak na aksyon ang maaari nating gawin upang maiangat ang kapatiran sa Diyos?
Isabuhay:
Ang mga lingkod ng Diyos ay pinili Niya para paglingkuran ang Kanyang mga tao at para tuparin ang Kanyang gawain. Tulad ng kaisipan ng mga Israelita, ang mga sumusunod kay Kristo ay nakikitang limitado ang oras natin sa mundo at kailangang magamit natin ito sa paglilingkod sa Diyos sapagkat tayong lahat ay mga nakikitira, nangungupahan, at manlalakbay--na ituon natin ang tunay na pag-asa sa Panginoon. Basta tayo ay nakahanay sa Kanyang kalooban, bibigyan Niya tayo ng kalakasan para sa gawain sa iglesya.
1. Sa anong paraan ako tinatawag ng Diyos sa oras na ito ng aking buhay? Paano ako makakaasa sa Diyos sa aking paglilingkod?
2. Paano ako makakatulong sa gawain ng Diyos sa iglesya, gamit ang aking oras, kakayahan, kayamanan, at impluwensiya?
Please set Simple, Measurable, Appropriate, Realistic, Time-bound (SMART) commitments.
Halimbawa: “Maghahanda ako ng pagkain para sa aking Dgroup /pamilya sa linggong ito.”
Ipanalangin:
Panalangin para sa Iglesya:
- Manalangin ng mas maging tulad ni Jesus, pinakakaitan ang sarili at may pagpapakasakit na pinaglilingkuran ang iba na walang inaasahang kapalit.
- Itaas sa panalangin ang ating iglesya na nawa’ý makapagpatuloy na purihin ang Diyos sa pamamagitan ng pagdidisipulo na mga magdidisipulo sa lahat ng bansa.
- Ipanalangin ang isang mamumuhay na nagbibigay-galang sa Salita ng Diyos at sa mga namumuno sa Iglesya—sumailalim sa Diyos higit sa lahat at manatili sa karunungan ng ating mga elders, pastors, at servant-leaders.
- Ipanalangin ang ating mga lider na nawa’ý bigyan ng Diyos ng kalakasan ang mga naglilingkod sa Kanya at bigyan sila ng karunungan para sa natitirang bahagi ng taon ay magkaroon sila ng patnubay na maluwalhati ang Diyos sa kanilang buhay at sa ating iglesya.
- Ang ating Senior Pastor at ang kanyang buong pamilya.
- Ang ating mga Elders, Pastors, servant-leaders, at kanilang mga pamilya.
- Ang ating Ministry Heads, Staff, Workers, Volunteers, Partner Missionaries.
- Ang bawat Discipler at kanilang mga disipulo na lumago na maging tulad ni Kristo at patuloy na maibahagi ang Mabuting Balita.
- Ang ating national and international church planting initiatives ay maging mabunga para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa 1 Cronica 29, inilarawan ni David ang kadakilaan, kapangyarihan, at grasya ng Diyos, maging ang kabutihang-loob Niya sa mga nananalig sa Kanya. Tayo na't tunghayan ang mga panalangin ni David at danasin ang pambihirang tagumpay mula sa Diyos, saksihan ang Kanyang mga himala, at tanggapin ang Kanyang mga sagot sa iyong dasal habang nagninilay sa Kanyang mga salita at kahanga-hangang gawa sa panalangin at pag-aayuno.
More
Nais naming pasalamatan ang Christ's Commission Fellowship sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ccf.org.ph