PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng PaskoHalimbawa
Day 5: Regalo Para sa Aking Hari
“After seeing him, the shepherds told everyone what had happened and what the angel had said to them about this child.” (Luke 2:17 NLT)
Trademark nating mga Pinoy ang mahabang Pasko. Hindi lang kasi -ber months ang celebration natin, umaabot din hanggang next year—January 6 to be exact. Iyon ang tinatawag ng marami bilang Pista ng Tatlong Hari. Sa ibang probinsya pa nga, tatlong lalaki ang nagdadamit bilang mga hari at pumaparada sa kalsada sakay ng mga kabayo.
But who are these kings, you ask? Una sa lahat, hindi sila sina Melchor, Gaspar, at Baltazar. The Bible actually doesn’t give us their names. Plus, hindi rin sila tinawag na mga hari, but “wise men” or “magi” (Matthew 2:1-12). Sa Tagalog na salin, “dalubhasa” ang tawag sa kanila. Ang malinaw lang, these men saw Jesus’ star (v. 2), traveled from the east to worship Jesus (v. 10-11), and gave Him “gifts of gold, frankincense, and myrrh” (v. 11). Maraming iba’t ibang interpretations tungkol sa mga dala nilang regalo para kay Jesus, but instead of focusing on those, baka mas mahalaga kung tatanungin natin ang sarili natin: Tayo ba? Anong regalo ang ibinibigay natin kay Jesus?
But then again, may regalo bang sapat para sa Hari ng mga hari? Well, here is some good news. In Luke 2, mababasa nating may iba pang naging bisita si Jesus bukod sa mga dalubhasang ito. Sino sila? Ang mga pastol. The Bible doesn’t mention anything about gifts, so we can assume that they didn’t give Him any. Pero kahit wala silang dalang regalo, the Bible is clear that these shepherds did something for Jesus: “After seeing him, the shepherds told everyone what had happened and what the angel had said to them about this child” (v. 17, emphasis added). And because of what they did, marami ang namangha (v. 18).
Are you wondering kung ano ang puwede mong ibigay para kay Jesus? It doesn’t have to be as grand as the gold, frankincense, and myrrh offered by the wise men. Gaya ng ginawa ng mga pastol, we can simply tell the people around us this wonderful news: Jesus came to “seek and save those who are lost” (Luke 19:10) and to “give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). Let us share with them kung paano binago ng Diyos ang buhay natin—at kung paano rin nila puwedeng maranasan ang pagbabagong ito sa buhay nila. At the end of the day, telling others about Christ is a great gift we can offer Him. Because when we do, nakikiisa tayo sa dahilan kung bakit Siya pumarito sa mundo.
Sino ang tatlong tao kung kanino mo puwedeng i-share ang Magandang Balita ng kaligtasan? Paano mo ibabahagi ang pananampalataya mo sa kanila?
Lord Jesus, no matter how much I give You, hindi po ito sapat upang suklian ang pag-aalay Ninyo ng buhay para sa amin. But please allow me to offer You something sa pamamagitan po ng pagbabahagi ng Iyong pagmamahal sa aking kapwa.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Struggling ka ba ngayong Pasko or wondering kung paano magiging mas masaya ang celebration mo ngayong taon? Samahan mo kami sa paghahanap ng mga sagot from the ultimate book of wisdom—the Bible. We pray na makatulong ang 5-day Reading Plan na ito sa iyo para magkaroon ka hindi lang ng maligaya, kundi ng makabuluhang Pasko.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org