Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng PaskoHalimbawa

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko

ARAW 3 NG 5

Day 3: Ang Maligayang Mensahe ng Pasko

“For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast.” (Ephesians 2:8-9 ESV)

Hindi mawawala sa Pasko nating mga Pinoy ang reunions. Dahil dagsa ang mga taong umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya, expected na natin ang matinding traffic at jam-packed na mga airport at transport terminal. But we endure those kasi minsan sa isang taon lang tayo magkaroon ng ganitong chance para makauwi at makasama nang mas matagal ang pamilya natin.

Speaking of family, very interesting ang pamilya at mga ninuno ni Jesus. Kapag binasa natin sa Matthew 1 ang genealogy o talaan ng lahing pinagmulan Niya, we’ll probably notice these three names first: Abraham, Isaac, and Jacob. Sila ang big three ng mga Israelita. Pero kung babasahin nating mas mabuti, makikita rin natin ang ilan pang mga pangalan: Perez, Hezron, Ram, Amminadab, Nahshon, and Salmon (v. 3-5). Unlike the big three, hindi sila sikat. Probably, ngayon lang natin narinig ang mga pangalan nila. Aside from them, may iba pang mga pangalan tayong mababasa: sina Tamar, Rahab, Ruth, at Bathsheba (v. 3, 5-6). All women names, which is revolutionary noong panahon na iyon. Patriarchal kasi ang Israel. Bukod pa sa mga babae sila, mayroon din silang masalimuot na nakaraan: Tamar—balo na nagpanggap bilang prostitute (Genesis 38); Rahab—totoong prostitute (Joshua 2); Ruth—balo at dayuhan (Ruth 1); Bathsheba—asawa ni Uriah na sinipingan ni David (2 Samuel 11).

Sino ang mag-aakala na sila ang pinagmulan ng lahi ni Jesus? But perhaps God was making a point kung bakit sila ang pinili Niya upang maging mga ninuno ni Jesus. Welcome ang lahat sa pamilya ng Diyos. Hindi lang ang mga sikat, kundi pati ang mga ordinaryong tao. Kahit pa nga iyong may madidilim na nakaraan, kasama rin.

Ibig sabihin, regardless of who we are, puwede tayong mapabilang sa pamilya ng Diyos. If you find it hard to believe na kasama ka sa puwedeng makatanggap ng buhay na walang hanggang iniaalok ng Diyos, just read Jesus’ genealogy. Kasama sa linya ni Jesus ang simpleng taong tulad ni Ram at ang makasalanang tulad ni Rahab. Kaya maaari mong pagtiwalaang puwede ka ring mapabilang sa pamilya ng Diyos. Sino ka man. Ano man ang iyong nakaraan. That’s God’s grace. Sabi nga sa Ephesians 2:8-9, “Dahil sa biyaya ng Diyos, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang maipagmalaki ang sinuman.”

What a wonderful gift, right? Hindi nakasalalay sa kung sino tayo at sa kung ano ang kaya nating gawin para sa kaligtasan, but on God’s grace. Iyan ang maligayang mensahe ng Pasko. Ang tanong na lang, will you accept His gift?

Sa paanong paraan mo nararamdamang hindi ka karapatdapat sa pag-ibig ng Diyos? Paano ka matutulungan ng katotohanang para sa lahat ang kaloob Niyang biyaya ng kaligtasan?

Mabiyayang Diyos, maraming salamat po sa Iyong pag-ibig. Thank You for accepting me sa kabila ng aking nakaraan. Tinatanggap ko po ang Iyong regalo ng kaligtasan. Mula ngayon, ipinapangako ko pong mamumuhay ako ayon sa Iyong kalooban.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko

Struggling ka ba ngayong Pasko or wondering kung paano magiging mas masaya ang celebration mo ngayong taon? Samahan mo kami sa paghahanap ng mga sagot from the ultimate book of wisdom—the Bible. We pray na makatulong ang 5-day Reading Plan na ito sa iyo para magkaroon ka hindi lang ng maligaya, kundi ng makabuluhang Pasko.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org