Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng PaskoHalimbawa

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko

ARAW 4 NG 5

Day 4: Ang Pinakamalupit na Exchange Gift

“He gave up his divine privileges; he took the humble position of a slave and was born as a human being.” (Philippians 2:7 NLT)

Hindi kumpleto ang mga Christmas party natin kung walang exchange gift. Nag-iisip pa nga tayo ng iba’t ibang mga pakulo kung paano tayo magpapalitan ng regalo. May nagbubunutan, may nagpapasahan ng regalo paikot while a song is being played, may nagpapaunahan din to guess the answer, at marami pang iba. Pero iba-iba man ang paraan ng pagpapalitan, may isang non-negotiable: the price. Lugi naman kasi kung fancy planner ang bigay mo, pagkatapos tissue roll lang ang matatanggap mo, di ba? Wala yatang papayag sa atin to trade something valuable with something that’s not.

But actually, may gumawa na noon: si Jesus. Marami Siyang ipinagpalit when He came into our world. Una, iniwan Niya ang kalangitan para tumira sa mundo natin. That in itself, lugi na Siya, di ba? Here’s another: He turned His back on the worship of angels and welcomed the rejection of men. Ikatlo, He traded His divine status with a servant status: “Kahit na nasa kanya ang katangian ng Dios, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Diyos bilang isang bagay na dapat panghawakan.Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin” (Filipos 2:6-7). Hindi lang iyon. Kinuha rin Niya ang parusa na para sa atin when He traded places with us on the Cross (Isaiah 53:3-5; 1 Peter 3:18). He even bore our sins (2 Corinthians 5:21)!

Kung tutuusin, deserve nating lahat na maparusahan because we all have “sinned; we all fall short of God’s glorious standard” (Romans 3:23). Pero pinili ni Jesus na “ialay ang Kanyang buhay” para “mapatawad ang ating mga kasalanan” (v. 25). Grabeng exchange, hindi ba? Hindi basta basta ang ipinangtubos sa atin. Not by “mere gold or silver,” but by “the precious blood of Christ, the sinless, spotless Lamb of God” (1 Peter 1:18-19).

You know what? May mas malupit pa doon. Jesus knew the price He’d pay beforehand. Alam Niyang hindi Siya tatanggapin ng mga taong ililigtas Niya. Alam Niyang pahihirapan, sasaktan, at hihiyain Siya. Alam Niyang ipapako Siya sa krus. At alam Niyang dahil ipapataw sa Kanya ang kasalanan ng sangkatauhan, He would feel separated from the Father. But did knowing all those stop Him? No. Hindi Siya nag back out. He still willingly traded places with us (Luke 22:42; Philippians 2:8).

What’s the best response para sa napakatinding sakripisyong ginawa ni Jesus para sa atin? We’ll find the answer sa mga naunang sinabi ni Apostol Pablo: “Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin” (Filipos 2:2). Dagdag pa niya: “Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo” (v. 3). The point? The best way to honor Jesus’ sacrifice is to follow His example and live a selfless life like He did. Tulungan nawa tayo ng Banal na Espiritu to be willing to offer ourselves for the good of others.

Bakit pinakadakilang halimbawa ng selflessness ang ginawang pag-aalay ng buhay ng Panginoong Jesus? Paano ka naman makakapagsakripisyo para sa kapwa mo?

Panginoong Jesus, napakadakila po ng Inyong pagmamahal para sa akin! Tulungan Mo po ako to be an extension of Your love to others. I willingly open myself para po tumulong sa aking kapwa.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko

Struggling ka ba ngayong Pasko or wondering kung paano magiging mas masaya ang celebration mo ngayong taon? Samahan mo kami sa paghahanap ng mga sagot from the ultimate book of wisdom—the Bible. We pray na makatulong ang 5-day Reading Plan na ito sa iyo para magkaroon ka hindi lang ng maligaya, kundi ng makabuluhang Pasko.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org