PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng PaskoHalimbawa
![PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F53283%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Day 2: Higit pa sa Christmas Bonus
“And she gave birth to her firstborn son and wrapped him in swaddling cloths and laid him in a manger, because there was no place for them in the inn.” (Luke 2:7 ESV)
Big deal para sa ating mga Pinoy ang Pasko. We make sure na may regalo tayo for our family and friends. Gusto rin nating bilhan ng pamasko ang mga anak natin. Nagpapapalit din tayo ng malulutong na bills pang-aguinaldo sa mga inaanak natin. At syempre, pinaghahandaan natin ang Noche Buena. Kaya sobra tayong umaasa na makatanggap ng Christmas bonus (may kanta pa nga tayo tungkol dito, ‘di ba?). But what if walang dumating na bonus? Worse, what if kahit dumating ang bonus, hindi pa rin sapat?
If we look at Jesus’ birth, we can say na napakasimple lang ng kapanganakan Niya, kahabag-habag pa nga. Sabi kasi sa Luke 2:7, hindi sa mamahaling tela ibinalot si Jesus, kundi sa “lampin.” Hindi rin Siya sa palasyo o ospital ipinanganak, kundi sa “sabsaban.” Dagdag pa ng mga Bible scholars, sa isang madilim at maruming kuweba raw matatagpuan ang sabsaban kung saan ipinanganak si Jesus. In the same verse, we’ll also read that “there was no place for them in the inn.” Hindi nakatanggap ng VIP treatment si Jesus kahit pa Siya ang King of kings and Lord of lords. Actually, kahit pa nga may nakuha silang lugar sa bahay-panuluyan, simple lang din iyon: bubong lang at dingding, walang kama o upuan man lang. Nothing.
Based from all those, matututuhan nating hindi natin kailangan ng magarbong Pasko. A simple celebration will do. Kung paanong naging napakapayak at tahimik ng pagdating ni Jesus sa mundo, okay lang kung payak at tahimik ang pagdiriwang natin. We don’t have to go beyond our means para lang magkaroon ng bonggang Pasko. Hindi rin natin kailangang ubusin ang savings natin o mangutang ng pera para may maipangregalo o maipanghanda tayo. Because at the end of the day, bonus na lang ang mga dekorasyon, regalo, at handa. Ang tunay na regalo ng Pasko ay buhay na walang hanggan na nagmumula sa pagtitiwala kay Jesus, ang Bugtong na Anak ng Diyos na isinugo upang iligtas ang sangkatauhan (John 3:16). So if we’ve already received this gift of life, pasalamatan natin si Jesus. That’s the best way to celebrate Christmas. Simple na, libre pa!
Paano mo malalabanan ang sobra-sobrang paggastos ngayong Pasko? May mga naiisip ka bang paraan para mapanatiling makabuluhan ang Pasko nang hindi gumagastos?
Father God, tulungan Mo po akong labanan ang mga tinig na nagsasabing kailangan kong gumastos nang gumastos just to make this Christmas worthwhile. Tulungan Mo rin po ako to be grateful and content sa regalo ng buhay na natanggap ko mula sa Iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F53283%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Struggling ka ba ngayong Pasko or wondering kung paano magiging mas masaya ang celebration mo ngayong taon? Samahan mo kami sa paghahanap ng mga sagot from the ultimate book of wisdom—the Bible. We pray na makatulong ang 5-day Reading Plan na ito sa iyo para magkaroon ka hindi lang ng maligaya, kundi ng makabuluhang Pasko.
More
Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org