Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng PaskoHalimbawa

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko

ARAW 1 NG 5

Day 1: Ang Susi sa Stress-Free na Pasko

“She will give birth to a son, and they will call him Immanuel, which means ‘God is with us.’” (Matthew 1:23 NLT)

We all know the drill. Pagtungtong na pagtungtong ng Setyembre, Pasko na sa Pilipinas! We expect to hear Jose Mari Chan everywhere (nagkalat nga ang memes niyan sa social media). Excited din tayong ilabas at i-display ang mga parol, Christmas tree, at Christmas lights natin. Inaabangan na rin natin ang “Sa may bahay ang aming bati” ng mga batang nangangaroling.

But despite (or maybe because of) our early celebrations, madalas pagod at stressed tayo tuwing panahon ng Pasko. Para kasing hindi maubos-ubos ang listahan ng mga dapat gawin. Ang daming mga kailangang bilhing regalo, lutuing handa, at daluhang mga party at reunion. So, we begin to think na hindi naman talaga masaya ang Pasko, puro stress lang.

Pero kung tutuusin, if we’ll look at the first Christmas, mas malala pa ang naranasan ni Joseph. Para kasing bumaliktad ang buong mundo niya. Engaged siya noon kay Mary. But Joseph discovered that Mary was pregnant (Matthew 1:18). Still, he chose to marry her bilang pagsunod sa Diyos (v. 24). But that meant kailangan niyang tiisin ang mapanghusgang mga mata ng mga tao (which was really severe in those days). Hindi pa doon natapos ang lahat. There came a decree for a census (Luke 2:1). Ibig sabihin, kailangang magpalista nina Joseph at Mary sa malayong lugar ng Bethlehem (v. 4-5). Wala pang sasakyan noon, so just imagine how stressful the travel was for them. Mas tumindi pa ang sitwasyon noong kinailangan nang manganak ni Mary while they were traveling, pero “walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan” (v. 7). As if those weren’t enough, they faced yet another problem. This time, it’s life threatening. Gustong ipapatay ni King Herod si Jesus (Matthew 2:13). Kaya tumakas sila papuntang Egypt para magtago (v. 14-15).

A far cry from the festive first Christmas we often imagine, right? Joseph and Mary trod a long and bumpy road, pero hindi sila huminto sa pagtahak sa landas na iyon. Why? Because they knew na kasama nila si Jesus. And who is Jesus? He is Immanuel, which means “God is with us” (1:23).

Kasama natin ang Diyos. Magandang paalala ito sa atin as we go through the busyness of this season. Gaya nina Joseph at Mary, may we find that Jesus is with us—and that His presence in our lives is enough... more than enough. Basta’t kasama natin si Jesus, mananatiling Pasko ang Pasko kahit pa alisin ang mga regalo, makukulay na dekorasyon, masasarap na handa, at lahat ng mga pagdiriwang. So, may we not be distracted by what needs to be done or bought or prepared. Instead, may we focus on Jesus, dahil Siya ang tanging dahilan ng Kapaskuhan. At kung hindi pa natin Siya kinikilala bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, may we also take this time to grant Him entrance into our lives.

Alin sa mga paghahanda ngayong Pasko ang nagdudulot sa iyo ng pinakamatinding stress? Ano ang mga puwede mong gawin para mas makapag-focus ka kay Jesus at hindi sa mga preparations and celebrations?

Panginoon, pagod at stressed na po ako sa lahat ng mga paghahanda ngayong Pasko. Please forgive me kung nakalimutan ko pong si Jesus ang focus ng Pasko. Tulungan Mo po akong ituon ang Pasko at buhay ko sa Kanya.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

PASKONG KAY SAYA! Tuklasin ang Tunay na Ligaya ng Pasko

Struggling ka ba ngayong Pasko or wondering kung paano magiging mas masaya ang celebration mo ngayong taon? Samahan mo kami sa paghahanap ng mga sagot from the ultimate book of wisdom—the Bible. We pray na makatulong ang 5-day Reading Plan na ito sa iyo para magkaroon ka hindi lang ng maligaya, kundi ng makabuluhang Pasko.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Ministries - Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org