Pag-Ibig, Isang Bunga ng EspirituHalimbawa
Pag-ibig - laban sa - Espirituwal na Kapalaluan
Kuwento sa Bibliya: Napili si David bilang hari 1 Samuel 16:1-13
Tema ng Talata: 1 Corinto 13:4-7
Sa huling linggong ito upang pag-aralan ang bunga ng Espiritu na PAG-IBIG, tayo ay titingin sa iba't-ibang mga talento o kakayahan na maaaring makakuha ng ating pokus at maging sanhi upang magkaroon tayo ng espirituwal na kapalaluan. Alam natin na ang pag-ibig ay mahalaga sa ating espirituwal na paglalakad, ngunit madalas nating isipin na ang pananampalataya ay mas mahalaga. Marahil ang panalangin o pagsamba, pagsisimba o magaling na pangangaral ay mas mahalaga kaysa pag-ibig.
Ano sa tingin ninyo ang tungkol sa pagbibigay? Ito ba ay mas mahalaga kaysa sa pag-ibig? Ang katotohanan ay, ang lahat ng espirituwal na bagay ay maganda, ngunit sila ay hindi kasing halaga ng PAG-IBIG. Nabanggit sa 1 Corinto kabanata 13 ang mga espirituwal na bagay: magaling na pagsasalita, panghuhula, pananampalataya, pagbibigay, at sakripisyo, pero sinabi na hindi sila kasing halaga ng pag-ibig. Ang PAG-IBIG ay mas mahalaga!
Tayo ay madalas na humahanga sa mga talento at kakayahan. Gayunpaman, ang katotohanan ay, kapag ang isang tao ay may isang tinig na parang isang anghel, ngunit hindi ipinakita ang pagmamahal sa kanilang buhay araw-araw, para sa Diyos ang kanilang tinig ay isang simbolo ng kalatong. Walang kagandahan sa kakayahan o iba pang mga espirituwal na kasanayan kapag ang mga ito ay walang pag-ibig.
Sa kuwento ng Bibliya ngayong araw, ay sinugo ng Diyos ang propetang si Samuel sa Betlehem upang pumili ng isang bagong hari. At nang siya'y dumating, ang buong bayan ay nanginig sa takot sa dakilang alagad ng Diyos. Nanalangin siya para sa bayan, at pinili ang pamilya ni Jesse. Nang dumating ang pamilya ni Jesse, ay nakita niya ang panganay na anak na si Eliab, at nagsabi, "Ito ang marahil ang bagong hari ng Diyos!" Gayunman, sinabi ng Diyos HINDI!" At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang kaniyang taas, sapagkat itinakwil ko siya. Ang Panginoon ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng tao. Ang mga tao ay tumitingin sa mukha, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.'"1 Samuel 16: 7
Ang kapalaluan ay isang pagmamalaki sa panlabas na anyo ng isang tao, kahit na naghahanap ng espirituwal sa panlabas, sa halip na magbigay ng pansin sa iyong puso. Si Samuel ay patuloy na naghanap sa lahat ng mga anak hanggang sa wakas ay dinala nila ang bunsong anak na nag-aalaga ng mga tupa sa parang. Si David ang bunso at ang pinaka-hindi inaasahan na maging susunod na hari. Gayunpaman, siya ang pinili ng Diyos.
Ang pagmamahal natin sa mga talento at kakayahan ay maaaring gumambala sa atin mula sa kung ano talaga ang gusto ng Diyos. Maaari tayong magbigay ng oras sa pagdarasal at pag-awit, pagsamba at pagbibigay, ngunit kung hindi nagpapakita ng pagmamahal, ang Diyos ay hindi nalulugod. Maaari tayong humantong sa espirituwal na kapalaluan.
Ito ay isang mahirap na aralin, dahil ang pagsamba sa Diyos ay HINDI kasalanan. Ang pagsasakripisyo upang magbigay sa mahihirap ay HINDI isang kasalanan. Ang mangaral sa paraan na baguhin ang puso ng mga tao ay HINDI isang kasalanan. Gayunman, sinasabi ng Diyos ang mga bagay na ito ay walang kabuluhan kung wala tayong pag-ibig. Kaya ano ang dapat nating tutukan sa halip na magdasal, mangaral at kumanta? Basahin ang 1 Corinto 13: 4-7. Tayo ay magtuon sa PAG-IBIG.
Mga Tanong:
1. Ano ang mali sa pagiging pinakamagaling?
2. Ano ang hitsura ng espirituwal na kapalaluan?
3. Gusto bang gamitin ng Diyos ang malalakas na tao o mahihinang tao?
Aplikasyon sa Buhay:
Magtanong sa Diyos kung mayroon kang espirituwal na pagsasanay na dapat ihinto, habang inililipat mo ang iyong pokus sa PAG-IBIG. Gumawa nang higit pang aksyon sa linggong ito upang ipakita ang pagmamahal: huwag magmayabang, gawin kung ano ang pinakamahusay sa iba at hindi sa iyong sarili, at huwag panagutin ang mga tao para sa mali nilang nagawa.
Gusto mo pa ba?
Ang gabay sa pagbabasa na ito ay kinuha mula sa kurikulum na pambata ng Equip & Grow. Tangkilikin ang gabay ito sa bahay, at pagkatapos ay gawin ang buong kurikulum sa simbahan gamit ang mga aklat, laro, gawain, kanta, dekorasyon, at marami pa!
https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/resources.php
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/resources.php