Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-Ibig, Isang Bunga ng EspirituHalimbawa

Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu

ARAW 3 NG 5

Pag - ibig - laban sa - Poot

Kuwento sa Bibliya: Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus Mateo 26:14-16

Tema ng Talata: 1 Juan 4:20

Ang pagkamuhi ay isang napakatalim na salita, isang damdamin na salungat sa pag-ibig, pero paminsan-minsan ito ay simpleng di pagkagusto sa ibang tao. Ilang tao ba ang di mo nagugustuhan?

Maaaring damdamin lang ang pagkamuhi, ngunit pwede rin itong sabayan ng gawain laban sa isang tao. Halimbawa, pwede itong pagsumbong sa titser sa paaralan ng isang kaklase na nandadaya. Ano ang mga dahilan sa pagsumbong sa titser? Baka dahil nadadaig ka niya, o gusto mo siyang hilahin pababa? O baka gusto mo lang siyang pahiyain o saktan.

Tinatapakan ng ibang tao ang iba para tumaas sila. Madalas inaalagaan ng mga hayop ang sarili nilang kauri, ngunit di ito pareho sa tao. Tayo ay nagseselos, nagagalit, at sa wala naming dahilan, ay nananakit ng iba. Meron ding mga panahon na pag sinaktan tayo, sa halip magpatawad, naghihintay pa tayo ng pagkakataong maghiganti.

Ang kuwento ng Bibliya ngayong araw ay tungkol sa isang tao na piniling ilagay ang isang kaibigan sa kapahamakan. Si Hudas Iscariote ay isang alagad ni Hesus na pumunta sa mga pinuno ng simbahan at nag-alok na magkanulo kay Hesus. Baka dahil nagseselos siya kay Hesus, o galit siya sa Kanya. Hindi natin alam ang kanyang mga motibo, pero sinabi ng Bibliya na gusto niya ng salapi. Hindi lumapit ang mga pinuno kay Hudas, pero siya ang lumapit, at nagtanong kung ano ang puwede nilang ibigay kapalit ng kanyang pagtataksil.

Katulad ni Hudas, pwede ring motibo ang salapi sa ating pagkamuhi sa isang tao. Baka di lang natin gusto ang isang tao, kaya wala tayong pakialam sa kanila. Kung dumating ang pagkakataon na kumita tayo sa isang tao, di tayo nagbabakasakali, kahit alam natin na makakasakit tayo. Bakit ganito ang mga tao sa mundo? Ang tao ay may gusto at di nagugustuhan. Inaasahan natin na tayo ay pagkamuhian pero di natin dapat kamuhian sila.

Sa totoo, ayon sa Bibliya di natin kayang mahalin ang Diyos hangga’t di natin minamahal ang ibang tao. (1 Juan 4:19-21)

Mga Tanong:

1. Ano ang mangyayari kapag gamitin ang salitang “muhi”?

2. Totoo ba ang impiyerno? May tao ba talagang mapupunta roon?

3. Ano ang nakakahadlang sa iyong makipagkaibigan sa isang tao?

Aplikasyon sa Buhay:

Gumawa ng maganda para sa taong hindi mo gusto. Pigilan ang iyong dila kapag nakita mo ang isang tao na nandaraya o magkakamali. Huwag sabihin sa kanila o ilagay sila sa kapahamakan.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu

Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/resources.php