Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-Ibig, Isang Bunga ng EspirituHalimbawa

Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu

ARAW 4 NG 5

Pag - ibig - laban sa - Pagmamatuwid sa Sarili

Kuwento sa Bibliya: Talinghaga sa Mabuting Samaritano - Lucas10:25-37

Tema ng Talata: Lucas10:27

Sa buwang ito, tayo ay mag-aaral tungkol sa pag-ibig at kung paano ipakikita ang pagmamahal sa iba. Ito ay isang importanteng paksa na palaging itinuturo ni Hesus. Sa makatuwid, pinagsama-sama ni Hesus ang lahat ng batas ngayon sa bersikulo sa pagsabing ang pagiging Kristyano ay tungkol sa pagmamahal sa Diyos at sa pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal sa ating sarili.

Ang pagmamatuwid sa sarili ay nangangahulugan ng pag-iisip ng magandang dahilan kung bakit hindi tamang oras o tamang ideya ang pagtulong sa iba.

Isang araw may isang eksperto sa Kristyano ang nakikipag-usap kay Hesus tungkol sa paksang ito. Sinabi ng Bibliya na gustong magbigay katarungan ng taong ito, kaya’t tinanong niya si Hesus, “At sino ang aking kapwa?”

Sinagot siya ni Hesus sa pagkuwento sa kanya ng istorya tungkol sa Mabuting Samaritano.

Isang araw, may isang lalaki na naglalakad sa daan at binugbog ng mga tulisan. Isang respetadong relihiyosong tao ang nagdaan, sabihin nating siya ay isang Kristiyanong pastor. Hindi siya tumigil upang tulungan ang nasaktang lalaki. Bakit kaya hindi man lamang huminto at tumulong ang pastor?

Siguro siya ay papunta sa isang pagpupulong kung saan siya ay magsasalita, at wala siyang panahon upang huminto. Marahil ay wala siyang labis na pera upang ibahagi, at alam niya na kung titigil siya, kailangan niyang gumastos upang matulungan ang tao. Siguro ang kanyang ama ay naghihintay para sa kanya sa bahay, at hindi niya nais na mapagalitan. Anumang pagbibigay-katarungan ang ilagay niya sa kanyang isip, ang kanyang mga aksyon ay hindi nagpapakita ng pag-ibig.

Muli, isang tao ang dumaan ng hindi tumigil upang tumulong. Sinasabi ng Bibliya na siya ay isa ring relihiyosong tao. Sabihin na natin na siya ay isang paring Hindu. Siya rin ay dumaan ng hindi tumutulong. Ngayon tayo ay may dalawang relihiyosong tao na hindi huminto upang tumulong. Ang katotohanan ay ginagawa nating lahat ito. Lahat tayo ay may katuwiran sa ating isip kung bakit hindi natin magawang tumigil upang tulungan ang ibang tao na nangangailangan.

Pagkatapos, sa kuwento ni Hesus, dumaan ang ikatlong tao. Ang taong ito ay isang mababang lahi. Sa katunayan, ang mga Hudyo ay hindi dapat makipag-usap sa kanila. Ang taong ito ay tumigil at inalagaan ang sugatang lalaki. Dinala niya ito sa ligtas na lugar, at binayaran ang kanyang mga bayarin sa doktor. Pagkatapos ay nagtanong si Hesus sa madla, "Sino sa kanilang tatlo ang naging "kapwa" sa taong nahulog sa kamay ng mga tulisan?" Alam kaagad ng lahat na ito ay ang ikatlong tao nagpakita ng pag-ibig.

Ito ay mas mahirap gawin kaysa pag-usapan. Mas madali pa para sa atin ang magkaroon ng pag-aaral ng Bibliya, at mga pulong ng pagsamba at pag-usapan ang pag-ibig, kaysa ang aktwal na pakitunguhan ang iba tulad ng pagtrato natin sa ating sarili. Alam ni Hesus na ito ay magiging mahirap, kayat ikinuwento niya ang istoryang ito.

Magiging sino ka? Magiging relihiyosong tao ka ba, na laging pumupunta sa simbahan, ngunit hindi humihinto upang tumulong sa iba? Sa kabilang banda, ikaw ba ay tulad ng Mabuting Samaritano, na walang pakialam kung ano ang lahi ng tao, bagkus naging handa upang huminto at tumulong.

Ang mga dahilan nang pagmamatuwid sa ating mga sarili kaya hindi tayo makatulong sa iba ay HINDI mabuti. Nais ni Hesus na ipakita ang ating pag-ibig sa mga pagkilos: walang pagdadahilan!

Mga Tanong:

1. Paano kung may kailangan sa akin ang ibang tao?

2. Ano ang iyong karaniwang dahilan sa hindi paghinto upang tumulong?

Aplikasyon sa Buhay:

Tumigil upang tumulong sa nangangailangan ngayong linggo, huwag pansinin ang lahat ng dahilan sa hindi paggawa nito. Gawin ang isang bagay na espesyal para sa isang tao na hindi mo kapantay sa lipunan.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu

Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/resources.php