Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pag-Ibig, Isang Bunga ng EspirituHalimbawa

Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu

ARAW 2 NG 5

Pag-ibig - laban sa - Mapanghusgang Asal

Kwento sa Bibliya: Butil ng puwing at tahilan Mateo 7:1-5

Tema ng Talata: Mathew 7:1-5

Binabati ko kayo sa ikalawang aral ng KAMPEON, kung saan tuloy nating titingnan ang mga paraan upang ipakita ang PAG-IBIG bilang espirituwal na bunga. Hindi sapat na malaman ang PAG-IBIG upang manalo, pero ang aktibong pagpapakita ng pag-ibig ang importante. Ang laban nating ngayong araw ay sa mga “mapanghusgang asal”. Ito ay ang pagkakaroon ng kritikal at nagpapababang isip sa ibang tao.

Ang asal na ito ay makikita sa lahat ng lugar, kahit sa mga simbahan, at paminsan-minsan ay ineengganyo pa! Pero ang pagiging mapanghusga ay isang kasalanan. Nagbabala si Hesus na HUWAG maghusga. Hinarap ni Hesus ang problemang ito at tinukoy sa Kanyang mga aral. Hindi tayo dapat maghusga sa ibang tao dahil tayo rin ay makasalanan. Ang pagbigay diin sa mali sa ibang tao ay para ring pagsasabi na wala tayong kamalian. Dito mali ang paghusga dahil sino ang walang kasalanan? Walang sinuman!

Sa kuwento ni Hesus, may isang taong may dumi sa kanyang mata. May isa pang tao ang dumating at nag-alok na tanggalin ang dumi sa kanyang mata. Maganda itong mapakinggan. Tila parang mabait ang taong ito, sa pagtulong sa isang tao na may problema.

Subalit, sabi ni Hesus, “HINDI, ipokrito!” Ito ay dahil may dumi rin siya sa kanyang sariling mata! Pero hindi lang ito konting dumi, pero isang malaking piraso ng kahoy! Mahirap maisip. Sa totoo nga, mahirap magkaroon ng isang buong piraso ng kahoy sa mata. Baka nagbibigay lang ng masyadong sukdulan na paglalarawan para maipaliwanag ang Kanyang punto. Hindi tayo dapat maghusga ng problema ng iba, dahil meron din tayong mas malaking problema kaysa sa kanila.

Ang pagiging mapanghusga ay isa sa mga kasalanan na tatakip sa ating “mga mata” at gagawing imposible na makakita ng maliwanag. Naiisip natin na marunong na tayo sa buhay, pero naglalakad pala tayo na may malaking piraso ng kahoy sa mata.

Hindi ito isang aral na mahirap intindihin, pero sobrang hirap nitong isabuhay. Mananalo tayo kung ISASABUHAY natin ito.

Tigilan nating manghusga ng iba!

Mga Tanong:

1. Ilang pangalawang pagkakataon ang kailangan ko ibigay?

2. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ipokrito?

3. Kelan tamang manghusga ng tao?

Aplikasyon sa Buhay:

Sabihin sa isang tao "Mahusay" at purihin sila sa mga mabuting bagay na nakikita mo. Magdala ng isang maliit na salamin sa bulsa buong araw. Kapag ikaw ay natutuksong husgahan ang isang tao, kuhain ang salamin sa bulsa at tumingin sa iyong sarili. Paalalahanan ang iyong sarili na hindi mo na kailangang tulungan ang iba na ayusin ang kanilang mga pagkakamali.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Pag-Ibig, Isang Bunga ng Espiritu

Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/resources.php