Pag-Ibig, Isang Bunga ng EspirituHalimbawa
Pag-ibig - laban sa - Pagkamakasarili
Kuwento sa Bibliya: Namatay si Hesus sa Krus Mateo 27:27-56
Tema ng Talata: 1 Juan 3:16
Halina sa CHAMPIONS, isang programa na muling matututo ka ng mga tungkol sa "Bunga ng Espiritu" at kung pano labanan ang kasalanan. Upang maging isang "champions o (kampeon)," Kailangan nating isabuhay ang turo nga mga bunga ng espirito. Ang problema ay madali lamang sa atin na ikabisado ang mga "Bunga ng Espirito," ngunit ang mga ito ay napaka- o mas mahirap isabuhay.
Bakit nga kaya? Ito ay dahil sa ating sariling mga makasalanang laman ay patuloy na pakikipaglaban laban sa atin. Ngayong buwan, tatrabahuhin natin ang pagpapakita ng "PAGMAMAHAL" sa ating buhay. Isa sa mga pinakamasama mga panganib na dumarating laban sa pag-ibig ay "PAGKAMAKASARILI" Ito ay kung saan inilalagay namin ang aming sariling mga hinahangad ng maaga ang mga hinahangad ng iba. Halimbawa, nais ng iyong kapatid na lalaki na maglaro sa isang puno malapit sa inyong bahay, ngunit nais mo upang pumunta doon sa kalye para makipaglaro sa ilang mga kaibigan. Alin ang pipiliin mo? Kung pupunta ka sa kalye para makipaglaro sa mga kaibigan, isasama mo ba ang iyong kapatid?
Ibinigay ng Diyos ang pinaka-sukdulan na halimbawa ng HINDI pagiging makasarili noong ipinadala Niya ang kanyang anak na si Hesu-Kristo at ipinako sa krus at nahirapan nang husto. Ginawa Niya ito upang bayaran ang ating mga kasalanan at iligtas tayo mula sa impiyerno. Ngayon, maaari nating tatanggapin itong kaloob na ito, at makasigurong tayo ay pupunta sa langit. Sa tingin mo ba naging madali para kay Hesus na hayaang duraan Siya at pagtawanan? Hindi! Naging napakahirap sa loob ni Hesus ang pahirapan Siya ng mga Pariseo at hayaang nakasabit sa Krus.
Kung MAGMAMAHAL ako ng kapwa ko, uunahin ko sila tulad ng halmbawang ipinakita ni Hesus. Inisip Niya muna tayo bago ang Kanyang sarili. Ngunit, kung ako ay makasarili lang, iisipin ko at gagawin ko ang makapag-papasaya lang sa akin. Kaya, anong pipiliin mo?
Mga Tanong:
1. Paano ako mas magiging espirituwal na tao?
2. Paano nga ba magiging kaibigan ang Diyos na Maykapal?
3. Kailangan ko ba talagang unahin ang iba?
Aplikasyon sa Buhay:
Maglaro ng laro na iminungkahi ng iyong mga kaibigan, laruin sa oras na gusto nila (kung mayroon kang pahintulot) at maglaro hangga't gusto nila. Huwag banggitin ang gusto mong laro sa kanila. Sa oras na ito, ang iyong kagustuhan ay hindi mahalaga, dahil ikaw ay nagpapakita ng tunay na PAG-IBIG ng hindi iniisip ang iyong sarili.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang araw na gabay sa pagbasa na ito ay nagpapakita ng mga labanan ng PAG-IBIG laban sa pagkamakasarili, mapanghusgang saloobin, pagkamuhi, pagpapawalang-sala sa sarili, at espirituwal na kapalaluan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 upang hikayatin tayo sa maging mga kampeon ng PAG-IBIG.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/resources.php