Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kalayaang hatid ng PagsukoHalimbawa

Ang Kalayaang hatid ng Pagsuko

ARAW 5 NG 5

IKALIMANG ARAW: MAGMAHALAN AT MAGTULUNGAN

Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan. (Galacia 5:13 ASND)

Kilala natin si Josefa Llanes Escoda na nagtatag ng Girls Scout dito sa Pilipinas. Pero, hindi lang ito ang ginawa niya dahil kilala rin siya sa bansag na "Ang Florence Nightingale ng Pinas." Itinaguyod niya ang mga pangangailangan ng mga kabataan at nangampanya para sa karapatan ng mga manggagawa. Isa rin siya sa nagtaguyod ng Boy’s Town. Sa panahon naman ng digmaan, inilagay nilang mag-asawa ang kanilang buhay sa panganib para matulungan ang mga bilanggo. Pinanadalhan kasi ni Josefa at nang kanyang asawa ang mga bilanggo ng pagkain at gamot. Kaya naman, inaresto si Josefa. Ikinulong at pinahirapan siya hanggang sa mamatay.

Namuhay naman si Dorcas na lingkod ng Panginoong Jesus para maglingkod sa iba. “Ginugugol [ni Dorcas] ang kanyang panahon sa paggawa ng kabutihan at pagkakawanggawa. ” (Gawa 9:36 mbb). At bagama't hindi siya namatay sa paglilingkod sa iba tulad ni Josefa, marami ang nalungkot nang mamatay si Dorcas. Sinabi sa Aklat ng mga Gawa, "Ang silid ay napuno ng mga babaing balo na umiiyak" (tal. 39). Mapagbigay si Dorcas at sa paggawa nito, marami siyang natamo. Isa roon ang pagmamahal ng mga pinaglingkuran niya. Pero higit pa riyan, nagkaroon din siya ng magandang halimbawa na nakasulat sa mga pahina ng Biblia na maaalala sa mahabang panahon.

Sinabi naman sa Biblia na tayong mga nagtitiwala kay Jesus ay ganito dapat ang ginagawa. “Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan ” (Galacia 5:13). Maaaring ang ating mga ginagawa ay kasing dakila ng paglilingkod ni Josefa, o maaaring kasing simple tulad ni Dorcas na gumagawa ng damit para sa mahihirap. Alin man sa mga ito, tandaan natin na hindi tayo kailanman malulugi sa tuwing nagbibigay at naglilingkod tayo sa iba. Sinabi sa Biblia, “Mapalad ang mga maawain, dahil kaaawaan din sila ng Dios” (Mateo 5:7). Gamitin natin ang ating kalayaan sa pagtulong at paglilingkod sa iba.

Sino ang nangangailangan ng iyong tulong ngayon? Paano ka makakapaglingkod sa iba – kaibigan man o hindi mo kakilala?

Dios Ama, tulungan Mo nawa akong pagmalasakitan ang iba kung paano Mo sila pinagmamalasakitan at mahalin ang iba kung paano Mo sila minamahal. Nawa'y matularan ko ang halimbawang ginawa ni Jesus tungkol sa Kanyang paglilingkod sa iba.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Kalayaang hatid ng Pagsuko

Sinasabi ng mundo na ang kalayaan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kontrol sa lahat. Ayon naman sa Biblia, ang karunungan ay nagsasabi sa atin na mayroong kalayaan kahit hindi natin kontrol ang lahat. Maaari mong maranasan ang maging malaya sa pag-aalay ng sarili, sa pagsuko, sa pagsunod sa mga tuntunin, sa panandaliang paghinto, at sa paglilingkod sa iba. Paano magkakaroon ng kalayaan sa mga iyon? Tuklasin ang sagot dito.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org