Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kalayaang hatid ng PagsukoHalimbawa

Ang Kalayaang hatid ng Pagsuko

ARAW 3 NG 5

IKATLONG ARAW: ANG TOTOONG MASAYA

Pinalaya na kayo sa kasalanan at ngayoʼy mga alipin na kayo ng katuwiran. (Roma 6:18 ASND)

May isinulat na sanaysay ang pinoy na si Alex Tizon na tumanggap ng parangal na Filipino-American Pulitzer Award. Binanggit ni Alex si Eudocia Tomas Pulido sa kanyang sanaysay na “Alipin ng Aking Pamilya.” Tinutukoy ni Alex si Eudocia bilang si Lola. Binanggit ni Alex na si Lola, “Ang babaeng gumugol ng 56 na taon bilang alipin sa sambahayan ng kanyang pamilya.” Hindi maganda ang pakikitungo kay Lola ng kanyang mga magulang at hindi rin siya binibigyan ng suweldo. Lumipas ang maraming taon, nagkaroon ng sariling pamilya si Alex. Kinupkop ni Alex si Lola pero hindi isang alipin kundi bahagi mismo ng kanyang pamilya. Binigyan ni Alex si Lola ng pribilehiyo na gawin nito ang anumang gusto niya at maging malaya. Gayon pa man, patuloy na namuhay si Lola isang alipin. Hindi mabago ni Lola ang kanyang sarili dahil halos ginugol niya ang kanyang buong buhay bilang isang alipin.

Maaaring may pagkakatulad kay Lola ang buhay natin. Kahit mga nagtitiwala na tayo kay Jesus, at pinalaya na Niya tayo sa ating pagkaalipin sa kasalanan, namumuhay pa rin tayo na parang hindi pa tayo napalaya. Namumuhay pa rin tayo na isang makasalanan at nahuhumaling sa tukso. Ginagawa natin kung ano ang gusto natin. Pinananood kahit malaswa, maglalasing anumang oras, at makikipagrelasyon sa kahit na sino. Marahil, lagi nating sinasabi na maiksi lang ang buhay kaya sulitin natin kung saan wala kang pagsisisihan. Magpakasaya at gawin ang gusto natin.

Pero, hindi naman ito ang buhay na nais ng Dios para sa atin. Pinalaya tayo ng Dios upang maging “alipin na tayo ng katuwiran” (Roma 6:18). Siguro, nakakainip ang ganitong buhay. Maaaring iniisip natin na ang sinasabi sa Biblia na mga hindi dapat gawin ang pumipigil para maging masaya o nag-aalis ng kasiyahan natin. Pero, ang hindi natin namamalayan na ang pagkahumaling sa kalayawan ng mundo ang siyang naglalapit sa atin kay Satanas. “Dumarating [si Satanas para] magnakaw, pumatay at mangwasak (Juan 10:10). At “ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa (1 Pedro 5:8). Kaya naman, anong masaya sa bagay na iyan?

Kung minsan lang mabuhay ang isang tao, paano natin igugugol ang buhay na ito? Sinabi sa Biblia, “Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kaluluwa niya?” ( Marcos 8:36 ). Talikuran natin ang makasalanang pamumuhay at mamuhay nang ayon sa kalooban ng Dios. Mamuhay tayo sa paraang nalulugod at nabibigyang parangal ang Dios. Ito ang totoong masayang buhay na mararanasan natin.

Ano ang nais iparating sa iyo ng isang "masayang buhay"? Paano magiging kalugod-lugod sa Dios ang iyong buhay?

Maawaing Dios, patawarin Mo po ako sa panahon na masaya akong gumawa ng masama sa halip na isapamuhay ang Iyong Salita. Tulungan N’yo po akong maging alipin ng Iyong katuwiran nang sa gayon lagi kong mapapurihan ang Iyong pangalan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Kalayaang hatid ng Pagsuko

Sinasabi ng mundo na ang kalayaan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kontrol sa lahat. Ayon naman sa Biblia, ang karunungan ay nagsasabi sa atin na mayroong kalayaan kahit hindi natin kontrol ang lahat. Maaari mong maranasan ang maging malaya sa pag-aalay ng sarili, sa pagsuko, sa pagsunod sa mga tuntunin, sa panandaliang paghinto, at sa paglilingkod sa iba. Paano magkakaroon ng kalayaan sa mga iyon? Tuklasin ang sagot dito.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread Asia Pacific sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://odb.org