Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang IkinababalisaHalimbawa

Anxious for Nothing

ARAW 5 NG 5


Pagnilayan ang Mga Ito

Ang pangwakas na tagubilin ni Pablo sa kanyang reseta sa kabalisahan ay pagnilayan ang mga bagay ng Diyos. Sa madaling salita, piliin kung ano ang iisipin. Ilarawan ang iyong mga iniisip bilang mga eroplano sa himpapawid ng abalang paliparan. Ikaw ang taga-kontrol ng trapiko sa himpapawid ng paliparang iyon. Kailangan mong magpasiya kung aling mga kaisipan ang pabababain at aling mga kaisipan ang paaalisin. Gusto mo bang maging masaya bukas? Hayaang ang mga kaisipan ng kasiyahan ang bumaba ngayon. Gusto mo bang maging miserable bukas? Hayaang ang mga kaisipan ng pagkakasala, pag-aalala, at takot ang bumaba ngayon.

Ang kagalingan mula sa kabalisahan ay nangangailangan ng malusog na pag-iisip. Sa katotohanan, ang hamon ay hindi mo hamon; ang hamon ay ang paraan ng pag-iisip mo tungkol sa hamon. Gayundin, ang iyong problema ay hindi mo problema; ang paraan ng pagtingin sa problema ang iyong problema. Alam ito ni Satanas, iyan ang dahilan kaya lagi niyang hinahangad na magtanim ng mga kasinungalingan sa iyong pag-iisip. Gusto niyang impluwensiyahan ang paraan ng pagkaunawa mo sa mga pakikibaka o kawalang katiyakan. Ngunit tandaan na hindi siya ang may-ari ng iyong isip.

Dagdag pa rito, mayroon kang isang kapangyarihan na hindi niya kayang talunin, dahil nasa panig mo ang Diyos. Kapag ang kabalisahan ay nagbabanta na pabigatin ang iyong puso, tumawag ka lang sa Diyos. Ito ay pagpataw ng parusa sa salarin at pagharap sa Kanya na mayroong lahat ng awtoridad. Ito ay tumatanggi sa lahat ng pag-aalala at takot upang magkaroon ng lugar upang maimpluwensiyahan ang iyong isip. Ito ay mag-iingat ng iyong mga kaisipan habang nagtitiwala sa Diyos na iyong Ama.

Siyempre, ang pagsasabi nito at paggawa nito ay dalawang magkaibang bagay. Maaring gusto mong pagpasiyahan ngayon na iisipin mo lamang ang mga bagay na totoo, marangal, at matuwid . . kahit na ito ay pumapatay sa iyo. Ngunit sino ba ang talagang makagagawa nito?

May mas simpleng paraan: gawin mo lang na layunin na kumapit kay Cristo. Manatili sa Kanya. Lumapit sa Kanya bilang pinagmumulan ng iyong lakas at Siya na kailangang sundin ng iyong mga pag-iisip. Basahin ang Salita ng Diyos. Sambahin Siya. Isantabi ang mga paggambala at maglaan ng oras para sa Kanya. Unawain na kung may magandang dumating sa iyong buhay, Siya ang magiging daluyan.

Ang pangunahing tungkulin ng mga alagad ay kumapit kay Jesus. At kapag kumapit ka kay Jesus, pupunuin mo ang iyong isip ng katotohanan ng Diyos. Inaalisan mo ng sandata ang kaaway at isinasantabi ang kabalisahan. Tinatanggap mo ang katotohanan ng Diyos. At ang katotohanang iyon ang magpapalaya sa iyo—malaya sa takot, malaya sa pangamba, at, oo, malaya sa kabalisahan.

Ang pagkakaroon ng kabalisahan ay nangangahulugan lamang na ikaw ay tao. Hindi ito nangangahulugan na ikaw ay may emosyonal na pagkukulang, mahina ang ulo, inaalihan ng demonyo, o isang bigong nilalang. Hindi ito nangangahulugan na binigo ka ng iyong mga magulang, o gayon ka din. At - ito ay mahalaga - hindi ito nangangahulugan na hindi ka Cristiano. Oo, kahit na ang mga Cristiano ay nakikipagbaka sa kabalisahan. Si Jesus mismo ay nakipaglaban sa kabalisahan sa Hardin ng Getsemani. Subalit hindi Siya nanatiling balisa. At dapat ay hindi ka rin.

Isang bagong araw ang naghihintay sa iyo. Isang bagong panahon kung saan hindi ka gaanong mag-aalala at mas magtitiwala. Isang panahon na nabawasan ang takot at nadagdagan ang pananampalataya. Maiisip mo ba ang isang buhay kung saan wala kang kabalisahan sa anumang bagay?

Magagawa ito ng Diyos, At sa tulong Niya, mararanasan mo ito.

Tumugon

Paanong ang pagkakaunawa mo sa kapangyarihan ng Diyos sa iyong mga problema ay nakatulong sa iyo na panatilihin ang iyong pag-iisip sa mabubuting bagay? Kailan ito naging isang pakikibaka para sa iyo?

Ano ang ibig sabihin sa iyo ng pagtutuon ng iyong mga mata kay Jesus? Paano tutulong sa iyo ang paggawa nito na mapanatiling bihag ang iyong mga kaisipan at maging masunurin kay Cristo?

Anong estratehiya ang maaari mong gawin sa susunod na susubukan ng kabalisahan na sakupin ang iyong puso at isipan?

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Anxious for Nothing

Siniyasat ng sikat na manunulat na si Max Lucado ang plano ng Diyos para sa paggamot sa kabalisahan na matatagpuan sa Mga Taga-Filipos 4:4-8. Habang sinusunod mo ang resetang ito – ang pagdiriwang ng kabutihan ng Diyos, paghingi ng tulong sa Kanya, pagpapaubaya ng iyong mga alalahanin sa Kanya, at pagbubulay-bulay ng mga mabubuting bagay – mararanasan mo ang kapayapaan ng Diyos. Bagaman bahagi ng buhay ang kabalisahan, hindi dapat itong nangingibabaw sa iyong buhay. 

More

Gusto namin pasalamatan si Max Lucado, Harper Collins, at Thomas Nelson Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa iba pang impormasyon, bumisita lamang sa: https://www.thomasnelson.com/9780310087311/anxious-for-nothing-study-guide/