7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawaHalimbawa
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
![](https://d233bqaih2ivzn.cloudfront.net/daymedia/CACHE/images/originals/2017/08/17/Luke1_37/2f2cdadfbddee5ff01933e9fea674846.jpg)
Marahil ay sinimulan mo ang Gabay sa Biblia na ito dahil dumaraan ka sa isang pagsubok sa iyong pag-aasawa, at hindi maayos ang mga bagay-bagay sa ngayon. Marahil ay ilang taon mo nang ipinagdarasal ang iyong asawa upang sumunod kay Jesus, ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin Siya tinatanggap. Marahil ay napanghihinaan ka na ng loob at hindi sigurado sa iyong hinaharap at hinaharap ng iyong relasyon.
Anuman ang kalagayan ng iyong pag-aasawa ngayon, pakatandaan mo ito: walang imposible sa Diyos.
Sa buong Biblia, marami tayong nakikitang mga himala ng Diyos—kabilang na rito ang pagtalo ni Jesus sa kamatayan sa pamamagitan ng pagbangong muli mula sa kamatayan! Ang kaparehong Espiritu na siyang muling bumuhay kay Jesus ang siyang nananahan sa iyo. (Mga Taga-Roma 8:11). Maaaring parang patay ang pakiramdam ng iyong pag-aasawa sa ngayon, ngunit kayang-kayang itong muling buhayin ng Diyos.
Huwag kang tumigil sa pagdarasal para sa iyong asawa. Huwag mong sukuan ang iyong kasal. Kung nahihirapan kayong magkasundo, huwag ninyo itong ipagpaliban: humanap ngayon ng isang taong pareho ninyong makakausap.
Maaaring paparating pa lamang ang inyong pinakamalaking tagumpay. Sa Diyos, walang imposible!
Jordan Wiseman
YouVersion Media Strategist
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isang maka-Diyos na pag-aasawa upang matupad ang pangako nito? Sa pitong-araw na debosyonal na ito mula sa YouVersion, ibinahagi ng mga kawani ang kanilang mga tugon sa mga tanong na ito at marami pang iba. Bawat araw ay mayroong Bersikulong Larawan na maaari mong ibahagi upang parangalan ang iyong asawa.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F8832%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Mga Mapanganib na Panalangin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18063%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Mapanganib na Panalangin
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)