7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawaHalimbawa
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
![](https://d233bqaih2ivzn.cloudfront.net/daymedia/CACHE/images/originals/2017/08/17/PRO.18.22_CEVUS06/d67cad306c9c3b6f308e0628fa4a1119.jpg)
Ang Pinakadakilang Kayamanan
Hindi ako masyadong nag-iisip tungkol sa mga kayamanan ngayon na matanda na ako, ngunit panigurado akong ilang beses ko iyong pinag-isipan noong ako ay bata pa. Sulit makipaglaban sa mga pirata upang mahanap ang kayamanan. Sulit makipaglaban sa mga halimaw upang protektahan ang kayaman. Ang kayamanan ang tugatog ng isang mapanlikhang pakikipagsapalaran. Ang pagninilay sa Banal na Kasulatan ay laging mabuti para sa iyong kaluluwa, at ang palagiang pag-iisip ng bersikulo para sa araw na ito (Mga Kawikaan 18:22) ay maaaring magkaroon ng malalim na epekto sa iyong pag-aasawa.
Kung ang aking asawa ang tunay kong pinakadakilang kayamanan, kung gayon ay mas kasiya-siya siya sa kung ano ang gusto kong panoorin sa TV. Ang paglaan ko ng oras sa kanya ay mas makabuluhan kaysa sa aking “oras para sa aking sarili.” Ang kanyang mga pangangailangan ay nagiging mas mahalaga kaysa sa akin. Siyempre, hindi ibig sabihin ng bersikulong ito na gawin mong idolo ang iyong asawa nang higit pa sa Diyos. Gayunman, ang sinsabi nito ay—sa lahat ng mga biyayang ipinagkakaloob sa iyo ng makalangit na Ama sa mundong ito—dapat mong pakaisipin na ang iyong asawa ang pinakadakila.
Kaloob mula sa Diyos
Bago ko makilala ang ama sa lupa ng aking asawa, narinig ko na siya ay isang opisyal sa Hukbong Himpapawid. Katulad ng gagawin ng karamihan sa kabataang lalaki, natakot ako noong una ko siyang makilala, ngunit habang lumalim ang aming pagkakakilala, nagkaroon kami ng paggalang sa isa't-isa. Ang paggalang na ito ang tumiyak na parati akong nasa aking pinakamahusay na pag-uugali at parati kong iuuwi ang kanyang anak sa tamang oras matapos ang aming pagkikita.
Sa tingin ko ay dapat ganito rin tayo dapat mag-isip patungkol sa makalangit na Ama ng ating mga asawa. Iniisip ng Ama sa langit ang Kanyang anak higit pa sa pag-aalala ko o ng kanyang ama sa lupa. Ipinagkakatiwala sa akin ng Diyos ang kaloob ng pag-aalaga sa aking asawa na ako lamang bilang asawa ang makagagawa.
Isang maliwanag na pag-iisip na nakikita ng nakakaalam-ng-lahat, pinakamakapangyarihang Ama kung paano natin tratuhin ang Kanyang kaloob. Nanliliit ako at nahihiya kapag naalala ko ang mga mapanuyang komento na aking nasabi, at mga makasariling pagkakataong aking nagawa.
Ito ang aking panalangin, at umaasa akong maraming kalalakihan ang nagbabasa nito ang mananalangin rin nito:
Makalangit ng Ama, patawarin mo po ako sa hindi ko pagpapahalaga sa aking asawa tulad nang nararapat. Maraming salamat sa pagbibigay sa akin ng kamangha-manghang kaloob na ito. Mangyaring baguhin mo ang aking puso at isipan, at tulungan akong makita siya bilang aking pinakadakilang kayamanan sa bawat araw. Amen.
Brad Belyeu
YouVersion Engineer
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isang maka-Diyos na pag-aasawa upang matupad ang pangako nito? Sa pitong-araw na debosyonal na ito mula sa YouVersion, ibinahagi ng mga kawani ang kanilang mga tugon sa mga tanong na ito at marami pang iba. Bawat araw ay mayroong Bersikulong Larawan na maaari mong ibahagi upang parangalan ang iyong asawa.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F8832%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Mga Mapanganib na Panalangin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18063%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Mapanganib na Panalangin
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)