7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawaHalimbawa
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Nakita na ng asawa ko ang pinakapangit na ugali ko. Halos 12 na taon na niya akong kilala at sa mga taong iyon ay mahigit siyam na taon na kaming kasal. Kahit pa kilala niya ako nang higit pa sa kaninuman sa mundo, hindi iyon maikukumpara sa kaalaman ng Diyos tungkol sa akin.
Alam ng Diyos ang lahat-lahatng aking mga pagkakamali at kabiguan, at nakikita Niya akong nagkakasala araw-araw. Gayunman, minamahal Niya ako. Iniisip Niya ang aking kapakanan kaya Niya isinakripisyo ang Kanya Anak para sa akin. Bawat araw ay pinaglingkuran ni Cristo ang Kanyang mga alagad—maski pa alam Niyang isang araw ay itatatwa Siya ng ilan sa mga ito! At pinagpapala Niya ako araw-araw, kahit pa hindi ako karapat-dapat para rito.
Simulan nating mahalin nang higit pa ang ating mga asawa sa pamamagitin ng tatlong praktikal na halimbawa ng pag-ibig ni Cristo para sa atin:
1. Pangalawahin ang iyong sarili.
Kung nagawa Niyang ibigay ang Kanyang buhay para sa atin, bakit hindi natin kayang gumawa ng maliliit, pang-araw-araw na sakrispisyo upang unahin ang mga nararamdaman, ninanais, at inaasahan ng ating asawa kaysa sa atin? Hayaan mong lumabas ang iyong asawa upang magkaroon ng “oras para sa kanyang sarili” ngayong linggo, habang ikaw ang tumao sa bahay at magbantay sa mga bata. O, para sa isang makatotohanang hamon, hayaan mong ang iyong asawa ang maging “tama” sa susunod ninyong mababaw na hindi pagkakaunawaan.
2.Maglingkod nang walang inaasahan.
Anong mas mainam na larawan ng isang lingkod ang maaari nating makuha higit sa paghuhugas ng Hari ng mga hari ng mga paa ng Kanyang mga alagad? (Juan 13:3-17) Bilang isang asawa, ang larawang iyon ni Cristo bilang isang lingkod ay dapat na maging matibay na paalala para sa atin. Humanap ng mga paraan upang paglingkuran ang iyong kabiyak ngayon. Sorpresahin siya sa paggawa ng mga labahin. Bumili ng espesyal na panghimagas mula sa kanyang paboritong kainan, nang walang dahilan. Hanapin ang kasiyahan sa paglilingkod sa iyong asawa—at saka paglingkuran sila nang walang inaasahang kapalit.
3. Magpakita ng pagpapala.
Ang pagpapala ay ang libre at hindi natin karapat-dapat na biyaya mula sa Diyos. Nasa Kanya ang lahat ng karapatan upang hindi patawarin ang ating mga kasalanan at mga pagkukulang, gayunman malaya niyang ipinagkakaloob ang Kanyang pagpapalala. Sa halip na magtuon sa mga negatibong gawi at katangian ng iyong asawa, subukang tumingin sa mga positibo araw-araw. Gumawa ng isang bagay tulad ng simpleng pagsasabi ng isang bagay na minamahal mo tungkol sa kanya araw-araw. Ipagdasal mo siya araw-araw. Patawarin kung sila ay nagkamali. Ang pagpapala ay hindi naniniwala sa sakit, galit, o pagkabigo…ang pagpapala ay nagpapatawad.
Todd Dobberstein
YouVersion Product Manager
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isang maka-Diyos na pag-aasawa upang matupad ang pangako nito? Sa pitong-araw na debosyonal na ito mula sa YouVersion, ibinahagi ng mga kawani ang kanilang mga tugon sa mga tanong na ito at marami pang iba. Bawat araw ay mayroong Bersikulong Larawan na maaari mong ibahagi upang parangalan ang iyong asawa.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F8832%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Mga Mapanganib na Panalangin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18063%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Mapanganib na Panalangin
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)