7 Bagay na Itinuturo ng Biblia Tungkol sa Pag-aasawaHalimbawa
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Noong araw ng aming kasal, nakinig ako at ang aking asawa habang binabasa ng pastor ang Mga Taga-Corinto 13:7: “Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” Pagkatapos nito ay nangako kaming magtatagal ang aming pag-aasawa, ngunit minaliit namin ang bigat ng mga paghihirap ng buhay, ang aming mga iskedyul, mga makasariling gawa, maski ang aming mga mapagmahal na mga anak na humihila sa amin papalayo sa isa't-isa. Maski hanggang ngayon, minsan ay nakikita naming namumuhay kaming malapit sa bawat isa, ngunit malayo ang damdamin sa isa't-isa.
Kinakaya at Pinagtitiisan
Magiging madali sana ang pag-aasawa kung hindi sa “lahat” ng mga bagay na ito na kinakailangan naming kayanin at pagtiisan. Nasasaad sa Mga Kawikaan 19:11, “Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan."
Bakit kailangang piliin ang pagpapatawad? Nagpapatawad tayo dahli tayo ay pinatawad ng Diyos. Nagmamahal tayo katulad ng Kanyang paraan ng pag-ibig: Ang Kanyang pag-ibig ay isang tipan, hindi isang kontrata. Ang isang kontrata, sa usaping negosyo, ay nangangahulugang gagawin ko lamang ang aking bahagi kung tutuparin ng kabilang partido ang kanila. Ngunit ang mga matatagumpay na pag-aasawa ay batay sa isang tipan: isang panghabang-buhay, walang kondisyong pangako na ating gagawin ang ating bahagi, maski pa ang pagtiisan natin ang isang asawang nabibigong gawin ang kanyang bahagi.
Aanihin ng iyong pag-aasawa kung ano ang iyong itinanim. (Mga Taga-Galacia 6:7) Kung hindi mo alam kung ano ang tumutubo sa iyong pag-aasawa, marahil ay kailangan mong suriin kung anong mga butil ang iyong naitatanim.
Naniniwala at Umaasa
Kahit kailan ba ay napansin mo bang hinahatulan natin ang iba batay sa kanilang mga kilos, ngunit hinahatulan natin ang ating mga sarili batay sa ating mga layunin? Kahit na kami ay hindi nagkakasundo, alam ko na dalisay ang mga layunin ng aking asawa. Ang pangunahing paniniwalang ito ang siyang nakapigil sa marami naming di pagkakasundo na maging mapanira.
Kahit gaano pa kalamig o katamlay ang iyong relasyon, maniwala ka sa mga hindi nagbabagong motibo ng iyong kabiyak at magtiwalang ginagabayan ka ng Diyos sa taglamig na panahon na ito. Tandaan na ginagawang napakaganda ng taglamig ang tagsibol.
Huwag Sumuko
Sinubukan kami ng pag-aasawa nang higit sa aming inaakala. Ngunit pinasiyahan rin kami nito higit sa aming imahinasyon. Huwag kang sumuko. Patuloy kang magbigay. Patuloy kang maglingkod. Kapag wala kang natanggap na sagot, mas malingkod ka pa. Ang pag-ibig ay isang paggawa, hindi isang pakiramdam. Walang kondisyon ang pag-ibig. Ito ay walang humpay. Ito ay walang puknat na nagpapatuloy, at mapusok. Lumaban para sa iyong minamahal, at patuloy na magdasal nang magkasama.
Andy Knight
YouVersion UI Designer
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![7 Things The Bible Says About Marriage](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F4539%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi ng Biblia na kapag nakatagpo ka ng asawa, nakahanap ka ng isang kayamanan. Paano mo mapananatili ang ganoong pakiramdam? At kaya niyo bang patuloy na maging mas malapit sa isa't-isa? Ano ang kinakailangan ng isang maka-Diyos na pag-aasawa upang matupad ang pangako nito? Sa pitong-araw na debosyonal na ito mula sa YouVersion, ibinahagi ng mga kawani ang kanilang mga tugon sa mga tanong na ito at marami pang iba. Bawat araw ay mayroong Bersikulong Larawan na maaari mong ibahagi upang parangalan ang iyong asawa.
More
Mga Kaugnay na Gabay
![7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F8832%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
7 Mga Bagay na Sinasabi ng Biblia Patungkol sa Pagmamagulang
![Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11397%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng Diyos
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Mga Mapanganib na Panalangin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18063%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Mapanganib na Panalangin
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Habits o Mga Gawi](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13743%2F320x180.jpg&w=640&q=75)