Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong MaghintayHalimbawa
Pagtuklas ng Kalooban ng Diyos Para sa Iyong Buhay
Bilang pastor, ang pinakamadalas ng tanong sa akin ng mga tao ay, "Paano ko malalaman ang kalooban ng Diyos para sa aking buhay?"
Narito ang apat na hakbang upang tulungan kang tuklasin ito:
- Maglinang ng masidhing pagnanais para sa Diyos at kung ano ang mahalaga sa Kanya
Dapat nating alamin ang puso ng Diyos upang ang mga pagnanais ng ating puso ay umayon sa Kanyang mga nais. Lagi kong ipinapanalangin na bigyang-inspirasyon ako ng Diyos upang magkaroon ng mga kaisipan at pagnanais na kalugod-lugod sa Kanya. - Maglaan ng oras sa panalangin at pagbabasa ng Salita ng Diyos
Tutulungan ka nitong makilala ang Kanyang tinig. Parang ganito ang aking pang-araw-araw na panalangin: "Panginoon, tulungan Mo po akong marinig ang Iyong tinig at makilalang Ikaw ito, nang sa gayon ay aking magawa ang mga ninanais Mo sa akin." - Bigyang pansin ang iyong mga likas na kaloob at kakayahan
Pagtuunan ang iyong mga kalakasan. Pinagkakalooban ka ng Diyos ng mga talento ayon sa Kanyang mga plano para sa iyong buhay. Tingnan kung ano ang inilagay sa iyo ng Diyos upang tulungang mabuo ang Kanyang kaharian. Iyon ang kaloob ng Diyos para sa iyong buhay. - Humingi ng payo mula sa mga mas may karanasang espiritwal
Naglalagay ng mga tao ang Diyos sa ating paligid upang tulungan tayo. Maging handang maturuan. Ang maka-Diyos na payo ay ilalapit ka sa pagtuklas ng perpektong kaloob ng Diyos para sa iyong buhay.
Ang sinumang nais na malaman ang kalooban ng Diyos sa kanilang buhay ay may pagnanais na kaluguran ang Diyos. Bakit nanaisin ng sinuman na malaman ang kalooban ng Diyos sa kanyang buhay kung wala itong pagnanasang tupdin ang Kanyang plano? Isang dakilang ambisyon ang naising malaman ang kalooban ng Diyos para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pamamagitan ng mga komprehensibong pang-araw-araw na babasahin na ito, alamin kung paano maghintay sa takdang panahon ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa paghilom hanggang sa mga relasyon. Tuklasin kung paano ganap na mapakikinabangan ang panahon ng paghihintay at manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang debosyonal na ito ay batay sa Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait ni Marcus Gill.
More