Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong MaghintayHalimbawa

Everybody Wants To Win But Nobody Wants To Wait

ARAW 2 NG 5

Lumabas mula sa iyong mga Nakasanayan

Araw-araw nagbabago ang ating buhay. Nagbabago ang ating mga relasyon. Nagbabago ang ating trabaho. Kahit na sa ating mga kalooban ay may mga pagbabago rin. Walang mali sa pagbabago, subalit habang natutuklasan natin at ipinamumuhay ang ating layunin habang naghihintay sa Diyos, may mga bagay na kailangan nating gawin. Ang buhay ay puno ng pagkamalikhain. Maging malikhain habang tinutuklas mo ang iyong layunin. Ano ang nagpapaalab ng iyong damdamin? Habang naghihintay ka sa Diyos na lubusang palakarin ka sa iyong layunin, gawin mo kung ano ang pinakagusto mong gawin.

Bukod dito, gawin mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa. Hilingin mo sa Diyos na gumawa ng isang bagong bagay sa iyo upang hindi ka manatili sa iisang lugar magpakailanman. Ang iyong layunin ay higit sa paggawa ng mga bagay na komportable ka. Kailangan mong humakbang paakyat at humakbang palabas. Hayaan ang mainit na kagalakan at pag-ibig ng Diyos na maging bahagi ng iyong buhay. Maglaan ng oras upang tumuon sa pagtulong sa iba. Anuman ang ginagawa mo, huwag subukang gayahin ang layunin ng iba. Magpakatotoo ka. Makinig sa tinig ng Diyos at pahintulutan Siyang pangunahan ka at gabayan ka sa iyong layunin. Nais ng Diyos na ipamuhay mo ang iyong layunin nang lubos, maranasan ang kabuuan ng buhay, upang magkaroon ng isang sariwang karanasan ng mabuting buhay sa bawat araw.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Everybody Wants To Win But Nobody Wants To Wait

Sa pamamagitan ng mga komprehensibong pang-araw-araw na babasahin na ito, alamin kung paano maghintay sa takdang panahon ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa paghilom hanggang sa mga relasyon. Tuklasin kung paano ganap na mapakikinabangan ang panahon ng paghihintay at manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang debosyonal na ito ay batay sa Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait ni Marcus Gill.

More

Nais naming pasalamatan sina Marcus Gill & Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://waittowin.com