Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong MaghintayHalimbawa
Takdang Panahon ng Diyos para sa Iyong mga Relasyon
Kinausap ako ng Panginoon isang gabi. Sinabi niya, "Marcus, kapag nagmadali ka sa isang relasyon, maaari kang mauwi sa paghihirap." Nang sabihin ng Panginoon sa akin ang salitang iyon, natauhan ako. Nang panahong iyon, desperado akong magkaroon ng isang romantikong relasyon. Nalulungkot ako, at napapagod ako sa paghihintay. Nakikita ko ang iba na nagpapakasal, at gusto kong makasal na rin. Halos parang gusto ko nang tanggapin kahit sino para lamang magkaroon ng karelasyon.
Hindi ko napagtanto na ang pinakamahusay relasyon ay ang pakikipag-relasyon sa Diyos.
-Nag-asawa ako nang napakabata, at ang kasal na iyon ay nauwi sa diborsyo. Pagkatapos noon, naisip kong kailangan ko ng panahon at hayaan ang Diyos na hilumin ako mula sa pagkakasira. Sa mga panahong iyon ay nagkaroon ako ng maraming sirang relasyon. Sa ngayon ay nasa punto ako kung saan maaari kitang hikayatin na pahintulutan mo ang Diyos na hilumin ka.
Kung sinusubukan mong magpagaling mula sa isang sirang relasyon o kung nagtitiwala ka sa Diyos upang ayusin ang iyong mga sirang relasyon, kakailanganin mong igalang ang proseso. Hayaan mong panumbalikin ka ng Diyos. Maaayos ng Diyos ang iyong mga sirang relasyon. Siya ay may kasaganaan ng pagmamahal at pagtitiis. Anuman ang Kanyang plano, kailangan mong paniwalaan na hindi sayang ang iyong paghihintay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pamamagitan ng mga komprehensibong pang-araw-araw na babasahin na ito, alamin kung paano maghintay sa takdang panahon ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa paghilom hanggang sa mga relasyon. Tuklasin kung paano ganap na mapakikinabangan ang panahon ng paghihintay at manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang debosyonal na ito ay batay sa Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait ni Marcus Gill.
More