Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong MaghintayHalimbawa

Everybody Wants To Win But Nobody Wants To Wait

ARAW 4 NG 5

Hihilumin ng Diyos ang Iyong Puso, Isipan, at Katawan

Kadalasan ang panahon ng paghihintay ng isang tao ay siya ring kanyang panahon ng paghilom. Sa halip na ipako ang isip sa pagtanggap ng isang sinagot na panalangin sa panahong ito, ano kaya kung pagtuunan mong maging malusog muli? Oo, kabilang dito ang pisikal, emosyonal, at espirituwal na kalusugan.

Habang ikaw ay naghihintay sa Diyos, napakahalagang makita mo ang mga aspeto ng iyong buhay kung saan kailangan mo ng paghihilom. Ang paghihilom ay hindi limitado sa pisikal na paggaling. Ang paghilom ay maaari ring mangyari sa iyong isipan. Ang paghilom ay maaari ring maganap sa iyong mga emosyon.

Ang Salita ng Diyos ang nagsisilbing lunas mo. Handa ang Diyos na bigyan ka ng lahat ng iyong kakailanganin upang lubusang gumaling. Ngunit hindi mo maaaring diktahan ang Diyos kung paano mo nais mapagaling. Dapat mong hayaan ang Diyos na hilumin ka sa paraang Nais niya. Dapat mong pagkatiwalaan ang Diyos at ang Kanyang proseso. Hindi man ganoon kabilis ang proseso tulad ng iyong ninanais, ngunit dapat kang maniwala na ang proseso ng Diyos ay ang pinakamainam para sa iyong buhay.

Ang katotohanan ay lahat ng sakit na itinataas sa Diyos ay maghihilom. Hindi mahalaga kung gaano kabigat ang sakit na napagdaanan mo sa nakaraan. Hihilumin Niya ang iyong katawan, puso, at isipan, at gagawin Niya itong maganda muli.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Everybody Wants To Win But Nobody Wants To Wait

Sa pamamagitan ng mga komprehensibong pang-araw-araw na babasahin na ito, alamin kung paano maghintay sa takdang panahon ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa paghilom hanggang sa mga relasyon. Tuklasin kung paano ganap na mapakikinabangan ang panahon ng paghihintay at manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang debosyonal na ito ay batay sa Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait ni Marcus Gill.

More

Nais naming pasalamatan sina Marcus Gill & Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://waittowin.com