Lahat ay Gustong Manalo Ngunit Walang May Gustong MaghintayHalimbawa
Ang Kaloob ng Pagtitiis
Ang paghihintay ay hindi isang sumpa. Ito ay isang pagpapala. Ang pagtitiis ay kaloob mula sa Diyos.
Kapag naghihintay ka nang matiyaga sa Panginoon, umaabot ka sa Kanyang pandinig. Naririnig ng Diyos ang mga panalangin ng mga naghihintay nang matiyaga sa Kanya. Kapag naghihintay ka sa Panginoon, tutulungan ka Niya. Dadalhin ka Niya sa kaligtasan. Kapag naghihintay ka nang matiyaga sa Panginoon, ang iyong pagsamba ay pupunta sa isang bagong antas. Kapag naghintay ka nang matiyaga sa Panginoon, makikita ng mga tao kung ano ang ginawa Niya para sa iyo.
Ang iyong oras ng paghihintay ay magiging isang patotoo, at lahat ng sumasaksi sa iyong paglaya ay mananalig at magtitiwala sa Panginoon. Kapag naghihintay ka nang matiyaga sa Panginoon, pagpapalain ka at palalakasin ang iyong puso. Ang iyong matiyagang paghihintay ay nagpapakita sa Diyos na ipinagkakatiwala mo sa Kanya ang buong buhay mo at pinagpapala Niya nang malaki ang ganyang pananampalataya.
Hayaan mo akong hamunin ka. Habang sinisisid mo nang mas malalim ang mga pagpapalang nagmumula sa matiyagang paghihintay sa Panginoon, nais kong ihanda mo ang iyong puso upang magsimulang maghintay, sa kaalamang aalagaan ka ng Diyos. Maghanda upang maunawaan kung ano talaga ang ibig sabihin ng magtiwala sa Diyos hanggang dumating ang iyong panahon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pamamagitan ng mga komprehensibong pang-araw-araw na babasahin na ito, alamin kung paano maghintay sa takdang panahon ng Diyos sa lahat ng aspeto ng buhay, mula sa paghilom hanggang sa mga relasyon. Tuklasin kung paano ganap na mapakikinabangan ang panahon ng paghihintay at manalangin nang naaayon sa kalooban ng Diyos. Ang debosyonal na ito ay batay sa Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait ni Marcus Gill.
More