Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bumangon at KuminangHalimbawa

Arise and Shine

ARAW 5 NG 5

Mga Anak ng Liwanag

Sa aklat ni Isaias, makikita natin kung paanong ang mga tao sa Jerusalem ay nakakaramdam na tila sila'y bitag sa kadiliman ng mundo sa kanilang paligid gayundin sa sarili nilang kasalanan: “Dahil dito, ang katarungan ay malayo sa amin, hindi namin alam kung ano ang katuwiran. Alam na namin ngayon kung bakit hindi kami iniligtas ng Diyos, sa mga nagpahirap sa amin. Umasa kaming liwanag ay darating, ngunit kadiliman ang aming kinasadlakan.” (Isaias 59:9).

Ngunit pagkatapos ay tinawag sila ng propetang si Isaias sa mas mataas na antas. Tinawag niya sila sa katotohanan.

"Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian." (Isaias 60:1–2)

Ikaw din, ay tinatawag sa mas mataas na antas. Hindi ka bitag ng kadiliman. Ang aktwal na liwanag ng mundong ito ay bumaba at namuhay bilang isang tao, at pagkatapos ay ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa iyo. Ang kadiliman ng mundong ito ay maaaring nakakalula. Ang kadiliman na kung minsan ay nararanasan natin ay tila nakakaakit. Maaaring pakiramdam mo ay hindi ka sapat upang ipagningning ang liwanag ni Cristo. Doon ka gustong manatili ng kalaban! Iyan ang kadilimang tila bumibitag sa mga taong binabanggit sa aklat ni Isaias. Ngunit nakita natin kung paanong sinabi ni Isaias sa mga taong bumangon at sumikat na tulad ng araw.

Aking kaibigan, sinasabi ko sa iyo ngayon, “[Isulat ang iyong pangalan dito], bangon! Hayaang sumikat ang iyong liwanag para makita ng lahat. Sapagkat ang kaluwalhatian ng Panginoon ay bumangon upang sumikat sa iyo.”

Ituon ang iyong mga mata kay Jesus, at hayaan Siyang baguhin ang paraan ng pagtingin mo sa mga bagay. Siya ang may-akda at lumikha ng lahat, at nais Niyang makita mo ang mga bagay kung ano talaga ang mga ito: nadaig na ng liwanag ng mundo.

Oras na para bumangon at sumikat. Panahon na upang ihinto ang pamumuhay sa mga kasinungalingan ng kaaway at simulan ang pamumuhay sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Panahon na upang ihinto ang pagsisikap na liwanagan ang iyong sarili kundi sa halip ay ipagningning ang liwanag kay Jesus.Panahon na para pagliwanagin mo ang liwanag ni Cristo upang makita at malaman ng buong mundo ang kaluwalhatian ng Panginoon. Kaya mo ito, aking kaibigan.

Bumangon ka at sumikat.

Panginoon, nais kong maningning ang Iyong liwanag sa akin at sa pamamagitan ko. Ipaalala sa akin araw-araw ang katotohanan na Ikaw ay higit sa anumang kadiliman! Amen.

Umaasa kaming nahikayat ka ng babasahing ito. Matuto ng mas marami tungkol sat Arise and Shine ni Allyson Golden dito .

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Arise and Shine

Madalas sinasabi ng mga tao, “Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga pasanin.” Naisip mo na ba: Paano ko ba magagawa ito? Ang pagkasira ng mundong ito ay tila napakabigat. At kahit gusto mong ipakita ang pagkinang ng liwanag ni Jesus, iniisip mo rin kung ano ang itsura nito kapag ikaw mismo ay nahihirapang makita ang liwanag na ito. Ang debosyonal na ito ay tinitingnan kung paano tayo magiging mga ilaw para kay Jesus kahit sa pakiramdam natin ay madilim ang ating sariling mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/726918/arise-and-shine-by-allyson-golden