Bumangon at KuminangHalimbawa
Ang Kagalakan sa Salita ng Diyos
Marahil ay iniisip natin na ang “pagsikat ng liwanag” ay nangangahulugang pagbibigay pag-asa sa mga tao o kagalakan sa mga maliligayang sandali. Naniniwala rin ako sa mga bagay na ito, ngunit natutunan ko na ang ilaw ay pinakamaliwanag sa mga mahihirap na sitwasyon. Tulad ng liwanag ng araw na tumatagos sa mga basag na piraso ng isang stained-glass na bintana, si Jesus ay tumatagos sa ating madidilim at basag na mga piraso at kumikinang para makita ng buong mundo.
Sa tuwing nananalig tayo sa Diyos sa mga panahon ng kadiliman, tayo ay binibigyan ng lakas at kagamitan upang ipakita ang Kanyang liwanag. Isang paraan upang tayo ay mapalapit sa Ilaw ng sanlibutan ay ang pagbabasa ng Salita ng Diyos.
Marahil ay iniisip mo sa iyong sarili: Nakakabagot ang Biblia, hindi ko maintindihan ito, at Wala akong oras para rito.Ngunit gusto kong itanong ito sa iyo: Sa totoo lang, ano nga ba sa iyong buhay ang dapat mas mauna kaysa sa pagbabasa ng “buhay at aktibong” Salita ng Diyos (Mga Hebreo 4:12)? Sa palagay ko ay hindi ito sapat na masasabi: Binabago ng lahat ang Salita ng Diyos.
Ang pagbabasa ng Biblia ay hindi tulad ng paggawa ng isang gawaing-bahay. Dito natin matatagpuan ang makapangyarihang Salita ng Diyos, at ito ang isa sa mga paraang Siya ay nakikipag-usap sa atin. Kung kaya, bakit hindi natin nanaisin na magkaroon ng isang palagiang proseso ng pakikipag-usap sa Diyos, habang hinahayaan natin Siyang buuin at padalisayin tayo? Isang sagot: Si Satanas. Ang huling bagay na gusto ng kaaway ay unahin natin ang Salita ng Diyos sa ating buhay. Kung kaya siya ay " parang leong umaatungal at aali-aligid" (1 Pedro 5:8), ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang tayo ay gambalain, magsinungaling sa atin, at iparamdam sa atin na tila ayos lang na hindi natin gawing priyoridad ang Biblia.
Alam nating lahat, ang ating mga smartphone ay maaaring maging isa sa mga pinakamalaking gambala sa ating buhay! Ngunit isa sa mga paraang magagamit mo ang iyong smartphone para sa mabuti ay ang paglalagay ng paulit-ulit na paalala na nagsasabing “Nabasa mo na ba ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ngayon?”
Ang pagbabasa ng Biblia ay 100 porsyentong kalooban ng Diyos para sa ating buhay, kaya kung tayo ay humihiling sa Kanya na patatagin tayo upang gawin ito araw-araw, tayo ay may tiwala na pakikinggan Niya tayo.
Panginoon, gusto ko na ang pagbabasa ng Iyong Salita ay maging bagay na kasasabikan ko, isang bagay na magpapalapit sa akin sa Iyo araw-araw. Salamat sa pakikipag-usap sa amin sa pamamagitan ng Biblia. Tulungan Mo akong lalong makilala Ka. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Madalas sinasabi ng mga tao, “Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga pasanin.” Naisip mo na ba: Paano ko ba magagawa ito? Ang pagkasira ng mundong ito ay tila napakabigat. At kahit gusto mong ipakita ang pagkinang ng liwanag ni Jesus, iniisip mo rin kung ano ang itsura nito kapag ikaw mismo ay nahihirapang makita ang liwanag na ito. Ang debosyonal na ito ay tinitingnan kung paano tayo magiging mga ilaw para kay Jesus kahit sa pakiramdam natin ay madilim ang ating sariling mundo.
More