Bumangon at KuminangHalimbawa
Paglapit sa Diyos
Ang panalangin ay isa pang paraan upang mapalapit sa Diyos habang tayo'y nagiging isang maliwanag na ilaw para sa Kanya. Sa Biblia ay sinasabi, "At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kanya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kanyang kalooban, ay dinidinig tayo niya: At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kanya'y ating hiningi" (1 Juan 5:14–15). Maaari nating dalhin ang lahat ng ating sakit, pag-aalala, at pagnanasa sa paanan ng Diyos.
Ang panalangin sa pamamagitan ng aklat ng Mga Awit ay isang mahusay na paraan upang makipag-usap sa Diyos kapag nahihirapan kang ipahayag ang iyong mga saloobin. Karamihan sa mga awit, katulad ng Mga Awit 139, ay mga panalanging isinulat ng iba. Nakikita kong lubhang makabuluhan ito upang mag-alok nang parehong mga kapahayagan at pakiusap na ipinapanalangin sa Diyos ng mga tao katulad ni Haring David. Dahil ang mga Awit ay isang bahagi ng Salita ng Diyos, ito ay makapangyarihan kapag pinili nating idalangin ang mga ito—o anumang talata sa Biblia—sa ating buhay. Katulad ng tiningnan natin kahapon, ang Biblia ay buhay, aktibo, at nakaayon sa puso ng Panginoon.
Habang lumalapit tayo sa Diyos, natutunan natin na higit na umasa sa Kanya. Ang kuwento ni Moises sa Biblia ay nagpapaalala sa atin nito. Sa Exodo 3:12, nagpakita ang Diyos kay Moises mula sa loob ng nagniningas na palumpong. (Pansinin na ang Diyos ay nagpakita sa anyo ng liwanag!)Pagkatapos tinawag Niya si Moises upang ilabas ang mga tao sa Egipto—isang malaking gawain na dapat tapusin. Ang tugon ni Moises ay ang tanong, "Sino ako?" Maaaring mayroon kang ganyang tugon sa tawag sa iyong buhay: Ngunit, Panginoon, sino ako?
Ang tugon ng Diyos kay Moises ay: "Ako ay sasaiyo." Kaibigan, sa lahat ng iyong ginagawa, kasama mo ang Panginoon. Maaring nagdududa ka sa iyong pagkatawag. Maaring nadarama mo na hindi ka karapat-dapat na humayo upang maging isang liwanag para kay Cristo. Maaring hindi mo gustong gawin ito. Ngunit sasamahan ka ng Panginoon. Iyan ang pangako mula sa Diyos. Hindi ka tinawag upang gawin ang alinman sa kanyang banal na gawaing ito nang mag-isa, kundi sa tabi ng Ama. Kapag lumapit ka sa Panginoon, ang Kanyang kaningningan ay magliliwanag sa iyo.
Panginoon, lumalapit ako sa Iyo ngayon na may pusong sabik na mapalapit sa Iyo.Hindi ko ito magagawa nang mag-isa. Kailangan ko ang Iyong lakas at ang Iyong biyaya. Protektahan ako, gabayan, at turuan ako ng higit pa tungkol sa Iyo. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Madalas sinasabi ng mga tao, “Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga pasanin.” Naisip mo na ba: Paano ko ba magagawa ito? Ang pagkasira ng mundong ito ay tila napakabigat. At kahit gusto mong ipakita ang pagkinang ng liwanag ni Jesus, iniisip mo rin kung ano ang itsura nito kapag ikaw mismo ay nahihirapang makita ang liwanag na ito. Ang debosyonal na ito ay tinitingnan kung paano tayo magiging mga ilaw para kay Jesus kahit sa pakiramdam natin ay madilim ang ating sariling mundo.
More