Bumangon at KuminangHalimbawa
Liwanag sa Kadiliman
Hindi ko alam sa iyo, ngunit gusto kong maging isang taong nagdudulot ng pag-asa sa iba. Gusto kong maging puno ng kagalakan at maging isang maliwanag na nagniningning na ilaw para kay Jesus. Ngunit may mga araw na napakahirap makita ang liwanag sa madilim na mga pangyayari. Kahit na alam kong tinatawag ako ng Diyos para ilagay ang aking mga takot, mga alalahanin, at mga tanong sa Kanyang mga balikat at ipinangako Niya na bibigyan ako ng kapahingahan, nakikipaglaban ako sa isang kadiliman sa aking puso't isipan.
Sa Juan 1:4–5 ay nagsasabi sa atin tungkol kay Jesus: “Sa kanya ay may buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.” Sa ibang salita, Si Jesus ang ilaw ng sangkatauhan. Maaaring nalulula tayo sa kadiliman, ngunit hinding-hindi ito magtatagumpay sa atin dahil ang liwanag ni Jesus ay nasa atin at sa ating paligid.
Ang lahat ng negatibo o mahirap na bagay na nakikita mo sa iyong telepono ay walang hawak sa iyo. Ang mga negatibong bagay na maaaring nakapaligid sa iyo ay hindi makahahadlang sa plano ng Diyos para sa iyong buhay.
May paraan ang kadiliman para sabihin sa atin na tayo ay naipit na. Nais nitong madama natin na kinokontrol tayo nito; pero ang totoo, hindi. May kapangyarihan tayong piliin na hayaan ang kadiliman na kontrolin tayo o kontrolin ito sa tulong ng Diyos. Nais ng kaaway na maniwala tayo sa kasinungalingan na walang liwanag sa gitna ng kadiliman. Ayaw ni Satanas na magkaroon tayo ng pag-asa na hatid sa atin ni Jesus.
Ang pagtuklas kung paano maging liwanag ni Cristo ay isang proseso, ngunit ito ay isang proseso na higit pa sa iyong kakayahan. Nasa tamang lugar ka kung saan kailangan mong mapunta sa sandaling ito, at Siya ay kasama mo.
Panginoon, gusto kitang makilala pa. Nais kong maunawaan ang Iyong puso para sa akin, para sa iba, at para sa mundong ito. Ano ang isang lugar ng aking buhay na tinatawag Mo ako upang hanapin ang higit pa tungkol sa Iyo? Tulungan Mo akong labanan ang mga kasinungalingan ng kaaway na gustong makagambala sa akin mula sa Iyo. Tulungan Mo akong mapalapit sa Iyo upang ang Iyong liwanag ay magningning sa akin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Madalas sinasabi ng mga tao, “Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga pasanin.” Naisip mo na ba: Paano ko ba magagawa ito? Ang pagkasira ng mundong ito ay tila napakabigat. At kahit gusto mong ipakita ang pagkinang ng liwanag ni Jesus, iniisip mo rin kung ano ang itsura nito kapag ikaw mismo ay nahihirapang makita ang liwanag na ito. Ang debosyonal na ito ay tinitingnan kung paano tayo magiging mga ilaw para kay Jesus kahit sa pakiramdam natin ay madilim ang ating sariling mundo.
More