Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bumangon at KuminangHalimbawa

Arise and Shine

ARAW 4 NG 5

Palayain

Pagkagumon, takot, kawalan ng kapanatagan, at pagkabigo. Pagdating sa ating pagnanais na maging isang nagniningning na liwanag para kay Cristo, madaling makaramdam na hindi tayo karapat-dapat kapag tayo ay may malalim at madilim na lihim na pumipigil sa ating puso at isipan, na patuloy na nagpapaalala sa atin ng nakatagong kasalanan natin.

Sinusubukan nating ilagay ang mga madidilim na bagay na ito sa isang kahon kung saan walang makakakita sa kanila. Natatakot tayo na kung dadalhin natin sila sa liwanag, ang ating buhay ay magiging mas masahol pa. Nag-aalala tayo kung ano ang iisipin ng mga tao sa atin kung "alam lang nila." Iyon ay dahil gusto ng Kaaway na panatilihin tayong nakakulong at nakakadena sa ating kasalanan. Gusto niyang maniwala tayo na ang iniisip ng ibang tao ay mas mahalaga kaysa sa sinasabi ng Diyos sa atin.

Ngunit alam mo ba kung ano ang nag-aalis sa iyo mula sa pagningning ng liwanag ni Cristo? Wala! Gaano man kadilim ang pakiramdam mo sa iyong kasalanan o gaano kasira ang tingin mo sa sarili mo, ang pag-ibig ni Jesus para sa iyo ay napakalawak at napakalalim na kahit sa gitna ng iyong pagkasira, nais Niyang gamitin ka upang magningning ang Kanyang liwanag sa iba.

Dalhin ang iyong itinatago sa liwanag, at hayaang palayain ka ng Panginoon. Dahil kahit ano pa ang bumabagabag sa iyo sa kahihiyan, hindi nakalaan na dalhin mo ito nang mag-isa.

Pinili ka ng Diyos, alam Niya ang kasalanan na iyong tatahakin. Pinili ka Niya, kahit sa iyong kasiraan. Pinili ka Niya, alam Niya ang lahat tungkol sa iyo. At walang anuman, ganap na wala, ang makapag-aalis ng katotohanang mahal ka ng Diyos at tinawag ka upang maging liwanag para sa Kanya.

Nangangako ang Diyos na bibigyan tayo ng “putong na bulaklak sa halip na abo” (Isaias 61:3). Ang iyong nakaraan ay hindi humahadlang sa iyo na gamitin ka Niya. Sa Kanya, at sa pamamagitan Niya, ikaw ay higit na may kakayahang magningning sa Kanyang liwanag.

Panginoon, salamat sa Iyong walang hanggang biyaya. Hinihiling ko na ang anumang kasinungalingan ng kaaway ay manatiling malayo sa akin, sa pangalan ni Jesus. Humihingi ako ng tawad sa mga paraang nagkasala ako sa Iyo. Pinupuri Kita sa pagiging manunubos ko. Salamat sa pagpapatawad Mo sa akin, nakikita Mo kung sino ako, at sa pagmamahal sa akin. Tulungan Mo akong maging liwanag para sa Iyo. Iayon ang puso ko sa Iyo. Itanim sa loob ko ang pagnanais na maging pinakamahusay na repleksyon Mo na maaari kong marating. Alisin ang anumang bagay sa aking buhay na humahadlang sa aking representasyon sa Iyo. Amen.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Arise and Shine

Madalas sinasabi ng mga tao, “Ibigay mo sa Diyos ang iyong mga pasanin.” Naisip mo na ba: Paano ko ba magagawa ito? Ang pagkasira ng mundong ito ay tila napakabigat. At kahit gusto mong ipakita ang pagkinang ng liwanag ni Jesus, iniisip mo rin kung ano ang itsura nito kapag ikaw mismo ay nahihirapang makita ang liwanag na ito. Ang debosyonal na ito ay tinitingnan kung paano tayo magiging mga ilaw para kay Jesus kahit sa pakiramdam natin ay madilim ang ating sariling mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/726918/arise-and-shine-by-allyson-golden