Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng KababaihanHalimbawa

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan:Pag-aalala
Parang natural na bahagi na ng buhay ng tao ang pag-aalala. Nag-aalala tayo tungkol sa lahat ng bagay mula sa kinabukasan ng mga anak natin hanggang sa kung ano ang lulutuin natin para sa hapunan ngayong gabi. Kaya tayong lamunin ng pag-aalalang ito. Sa kabila nito, mayroon tayong makapangyarihang Diyos na direktang nagbilin sa atin na huwag mag-alala.
Sa pagbasa sa Banal na Kasulatan mula sa aklat ng Mateo, sinabi ni Jesus sa atin na “hindi tayo makapaglilingkod nang sabay sa dalawang Panginoon”. At isinasaad ng kasunod na talata na, “KAYA sinasabi Ko sa inyo na huwag mag-alala…”. Alam ni Jesus na ang susi upang malabanan ang pag-aalala ay nakatali sa ating pagsamba.
Nakita din natin ang parehong konsepto sa Kawikaan 12:25. Nililinaw nito ang punto na “Nagpapahina sa loob ng isang tao ang kabalisahan…”. Sa Hebreo, ipinahihiwatig nito na ang pag-aalala ay nagdudulot sa puso ng isang tao na yumuko o magpuri. Ang tanong ngayon ay - sino o ano ang pinipili nating sambahin?
Kapag nag-aalala tayo, nagdedesisyon tayong magpasailalim sa isang bagay bukod sa kapangyarihan ng Diyos. Sa puso at isipan ko ay inialis ko ang Diyos sa Kanyang trono...at inilagay ko ang sarili ko sa pwestong iyon.
Kaya, paano natin mapaglalabanan ang pag-aalala?
- Pananaw - Sinasabi ni Ryan Leak ito, "Parati kang mahihirapang mapanatag sa gitna ng unos kapag pakiramdam mo ay responsibilidad mo na pahupain ang unos." Sa Juan 16:33, sinasabi ni Jesus na magkakaroon tayo ng mga pangamba ngunit nagbigay din siya ng kasiguruhan na napagtagumpayan na Niya ang lahat ng mayroon sa mundong ito. Hindi mo kailangang mag-alala - alam Niya na may mga pagdadaanan kang pagsubok pero kaya ka Niyang itawid dito.
- Ilagay ito sa Kanyang kamay - Madalas tayong nagpapatalo sa pag-aalala dahil nakalimutan natin ang mga bagay na ginawa Niya para sa atin mula pa noong una. Paulit-ulit sa Banal na Kasulatan, nakikita natin na sinasabihan ng Diyos ang Kanyang bayan na alalahanin. Bakit? Dahil madalas tayong makalimot. Ang pagbabalik-tanaw sa katapatan ng Diyos noong nakaraan ay nakakatulong na alisin ang pangamba sa kasalukuyan.
- Manalangin - Ito ang sinabi ni Jimmy Evans, “ Gawing listahan ng panalangin ang listahan mo ng pangamba.” Walang naidudulot ang pag-aalala, ngunit kayang baguhin ng panalangin ang lahat. Sa halip na kausapin ang ating mga sarili, kausapin natin Siya na mayroong magagawa tungkol dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa pitong-araw na debosyonal na ito, tuklasin kung paano kang magiging handa sa mga laban na kinakaharap natin sa araw-araw. Ang seryeng Ang Mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan ay tatalakay ng mga paksa mula sa mga hangganan hanggang sa pagkabahala at magbibigay ng mga katotohanang nakasaad sa Biblia at mga praktikal na paglalapat upang tulungan kang lumakad sa katagumpayan.
More