Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng KababaihanHalimbawa

The Battles Women Face

ARAW 5 NG 7

 

Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan:Pagtanggi

Mayroon bang pinto sa buhay mo na nagsara kamakailan lamang, o di kaya ay ipininid na? At ngayon ay narito ka at nakakaramdam na ikaw ay tinanggihan?

Huwag mo itong dibdibin.

Sa kabilang banda...kung ikaw ay isang mananampalataya, na nanalangin na mangyari ang kalooban ng Diyos, maaari ngang akuin mo itong personal.

Sa 1 Samuel 29, tumatakas si David mula kay Haring Saul. Pagod na siya at hapo nang makatagpo siya ng ligtas na matutuluyan sa isang di inaasahang lugar, sa gitna ng mga Filisteong walang kinikilalang Diyos.

Lubhang napalagay ang loob ni David sa kanyang mga bagong tagpong kaibigan, sa puntong nagprisinta pa siyang maging bahagi ng kanilang hukbo. Habang si Haring Achish ay payag at handa nang tanggapin ang handog ni David, hindi pumayag ang ilang pinunong Filisteo. Alam nila ang kanyang magandang reputasyon bilang pinuno ng hukbong Israelita. “Hindi ba ito ang David na inaawit ng kababaihan ng Israel sa kanilang mga sayaw...Hindi siya pwedeng sumali sa atin sa laban. Paano kung tumalikod siya sa atin sa gitna ng laban at maging kalaban natin.”

Maaaring nakalimutan ni David ang kanyang layunin, ngunit hindi nakalimot ang Diyos.’

Matapos ang ilang kabanata, namatay si Saul at hinirang na hari si David.

Isipin kung hindi isinarado ng Diyos ang pintong iyon? Ano kaya ang nangyari kay David? Mayroon kaya tayong Aklat ng Mga Awit? Ang dakilang Hari ng Israel ay maaaring naging hindi masyadong dakilang Hari ng Filisteo.

Hindi ba't napakabuti ng Diyos?

Lahat tayo ay mayroong kwentong kagaya ng kay David. Alam kong maraming pinto ang sinubukan kong buksan. Mga pintong maaaring patungo sa ilang mapanganib na landas… ngunit salamat na lang, sa awa ng Diyos, ay isinara ang mga pintong iyon. Kung ano ang mga kung titignan ay parang pagtanggi ay napatunayang kamay ng pagtulong at biyaya ng Diyos.

At alam ko ring mayroon Siyang mga pintong isinara para sa iyo.

Kaya tatagan mo ang iyong puso at huwag panghinaan ng loob kapag naramdaman mo ang pagtanggi habang maraming pinto ang nagsasara kaysa bumubukas para sa iyo. Bigyan mo ng panahon. Naniniwala akong isang araw ay magbabalik-tanaw ka at makikita mo ang kamay ng Diyos sa iyong sitwasyon.

Ang parehong Diyos na nagmalasakit sa patutunguhan ni David, ay nagmamalasakit din sa iyong patutunguhan. Ang Diyos ang may huling salita.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Battles Women Face

Sa pitong-araw na debosyonal na ito, tuklasin kung paano kang magiging handa sa mga laban na kinakaharap natin sa araw-araw.  Ang seryeng Ang Mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan ay tatalakay ng mga paksa mula sa mga hangganan hanggang sa pagkabahala at magbibigay ng mga katotohanang nakasaad sa Biblia at mga praktikal na paglalapat upang tulungan kang lumakad sa katagumpayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Whispers & Fringes sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang http://www.whispersandfringes.com