Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng KababaihanHalimbawa
Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan: Mga Hangganan*
Noong nakaraang taon ay may natuklasan akong nakakagulat tungkol sa sarili ko: Ako ay isang taong walang mga hangganan. Natuklasan kong masyado kong itinuon ang mga mata ko sa pagiging mapagmahal at hindi makasarili, na nakalimutan ko ang sarili kong mga hangganan at limitasyon. Masyado akong napagod sa hindi pagtanggi dala ng takot. Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan na ipahayag ang sarili kong mga saloobin at opinyon. Hindi ko napangasiwaan ang sarili kong damdamin at lumayo mula sa mapandiktang emosyon ng iba. Nakalulungkot sabihin pero hindi ko inaring sarili ang buhay ko.
Buti na lang, itinuro ng Salita ng Diyos na panahon na upang gamitin ko sa wastong paraan ang mga hangganang isinasaad sa Biblia upang makamit ang mga pakikipag-ugnayan at layunin na inilaan ng Diyos para sa akin bilang anak Niya. Gusto kong mamuhay nang may pagmamahal, kalayaan, pananagutan at paglilingkod.
Ang kakayahan na magtakda ng malinaw na mga hangganan ay importante para sa malusog at balanseng pamumuhay. Sa mga pakikipag-ugnayan, ang mga hangganan ang nagbibigay-kahulugan kung sino tayo at kung sino ang hindi tayo, na mayroong epekto sa bawat bahagi ng ating buhay.
Ang mga bakod ay pisikal na hangganan na mayroong mensaheng: mula dito ay pag-aari ko. Itinatakda ng mga hangganan kung sino ako at kung sino ang hindi ako. Ipinakikita ng mga ito sa akin kung saan ako nagtatapos at nagsisimula ang iba. Naghahatid ito ng pakiramdam ng pag-angkin na nagbibigay sa atin ng kalayaan. Ipinakikita din ng mga hangganan kung saan tayo may pananagutan o kung saan wala.
Tinutulungan tayo ng mga hangganan na:
- kilalanin ang ating mga pag-aari upang mapangalagaan natin ang mga ito;
- upang“bantayan ang ating mga puso nang may pagsisikap”;
- panatilihin ang mabubuti (ano ang makakapagpalago sa atin) at iwaksi ang hindi mabuti (makakasama sa atin)
- bantayan ang atin mga kayamanan.
Maging ito man ay isang magulong pamilya, ang sanlibutan, ang pag-aakala mong ikaw ay mas mabuti kaysa sa iba, o ang pagkawasak dahil sa pagkaligaw ng landas, kaya ng Diyos na tulungan kang maging isang taong walang hangganan patungo sa isang mabuting taong mayroong mga hangganan.
Alalahanin ang panalangin ni David. Ang nais ng Diyos ay malaman mo kung saan ka mahina. Kausapin mo Siya na liwanagan ang mga mahahalagang pakikipag-ugnayan at mga pwersang nakapag-ambag sa pakikibaka mo kaugnay sa mga hangganan. Hingin ang tulong ng Diyos upang protektahan ang iyong puso at gabayan ka ng Kanyang karunungan. Tuklasin na kaya mo ring humindi kapag ito ay lagpas sa iyong hangganan.
*Konsepto mula sa aklat na Boundaries ni Dr. Henry Cloud&Dr. John Townsend
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pitong-araw na debosyonal na ito, tuklasin kung paano kang magiging handa sa mga laban na kinakaharap natin sa araw-araw. Ang seryeng Ang Mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan ay tatalakay ng mga paksa mula sa mga hangganan hanggang sa pagkabahala at magbibigay ng mga katotohanang nakasaad sa Biblia at mga praktikal na paglalapat upang tulungan kang lumakad sa katagumpayan.
More