Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng KababaihanHalimbawa
Ang mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan:Layunin
Ako ay isang tagahanga sa larangan ng paglalaro, isa akong tagahanga ng larong football. Kapag ang koponang sinusuportahan ko ay nasa sitwasyong manalo-o-umuwing talunan, ako ay...tawagin na lang nating...lubos na masigasig. Habang nanonood ako ng laro kasama ng ilang kaibigan, tatayo ako at sisigaw kapag mayroong magandang nangyayari. Tila naging kalabisan iyon sa taong nasa likuran ko dahil nakiusap siya na maaari ba akong maupo lang upang makita din niya ang TV. Ang tugon ko sa kanya ay, “Hindi ko mapigilan!”
Sa tingin ko, ang layunin natin ay katulad din niyan.
Sa babasahin sa araw na ito, nakilala natin si Moises. Mayroon siyang natatanging karanasan na marinig ang Diyos na sabihing “...Pangunahan mo ang bayan kong Israel palabas ng Ehipto”.Kapansin-pansin rin na bago pa man iyon mangyari ay nakakakita na tayo ng ilang sulyap sa kung paano nilayon ng Diyos na gamitin siya.
Noong nasa Ehipto pa si Moises at nakita niya ang isang kapwa niya Israelita na binubugbog ng isang Egipcio, ano ang ginawa niya? Ipinagtanggol niya ang kanyang kapwa. Noong sumunod na araw, nakita naman niya ang dalawang Israelita na nagtatalo at sinubukan niyang tulungan silang ayusin ang kanilang pinagtatalunan. Sumunod pa, tinulungan din niya ang mga kababaihan na nakararanas ng pandarahas sa ilang.
Kaya, bago pa man siyang tawaging tagapag-akay, isinasabuhay na ni Moises ang gampaning iyon.
Kadalasan iniisip natin na ang layunin natin sa buhay ay isang malaking misteryong dapat tuklasin, ngunit maaari kayang ito ay matagal na nating ginagawa? Anong mga sitwasyon ang kinapalooban mo na hindi mo mapigilan ang sarili mong kumilos para baguhin ang mga iyon? Maaaring pakiramdam mo ay hindi naman iyon malaking bagay ngunit maaari iyong maging tanda ng isang malaking bagay na nais ng Diyos na gawin sa iyo at sa pamamagitan mo.
Tandaan mo rin, hindi dahil ito ang iyong layunin ay nangangahulugan na magiging madali ito. Kinailangan ni Moises na harapin ang Faraon, at isang tumpok ng mga reklamador na Israelita kasabay ng hamon ng pagtawid sa Dagat na Pula at pamumuhay sa ilang. Ngunit sa bawat pagkakataon, naging matapat ang Diyos na pangalagaan siya.
Ikaw ay nilikhang kagila-gilalas at kamangha-mangha na mayroong natatanging kakayahan, talento at kalakasan. BInigyan ka ng Diyos ng lahat ng kakailanganin upang mamuhay nang naaayon sa Kanyang layunin para sa iyong buhay. Bago mo pa man ito malaman, maaaring sinasabi mo na ring, “Hindi ko ito mapigilan!” habang sinisimulan mong tugunin ang pagtawag na iyon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa pitong-araw na debosyonal na ito, tuklasin kung paano kang magiging handa sa mga laban na kinakaharap natin sa araw-araw. Ang seryeng Ang Mga Pakikibakang Kinakaharap ng Kababaihan ay tatalakay ng mga paksa mula sa mga hangganan hanggang sa pagkabahala at magbibigay ng mga katotohanang nakasaad sa Biblia at mga praktikal na paglalapat upang tulungan kang lumakad sa katagumpayan.
More