Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ruth: Isang Kuwento ng Mapagtubos na Pag-ibig ng DiyosHalimbawa

Ruth: A Story of God’s Redeeming Love

ARAW 5 NG 7

Ang isang kamag-anak na manunubos ay isang malapit na kamag-anak na nagpapakasal sa isang balo upang magkaroon ng tagapagmana para sa namatay na kaanak. Kakaiba ito sa ating makabagong pag-iisip, ngunit ito ay isa pang paraan upang maglaan ang Diyos para sa mga balo at ulila sa Israel. Bilang malapit na kamag-anak ni Elimelec, si Boaz ay isang posibleng kamag-anak na manunubos para kay Ruth. Gayunpaman, nang matapos ang pag-aani ng sebada at trigo, hindi pa rin nagagawa ni Boaz ang kanyang responsibilidad bilang kamag-anak na manunubos. Oras na para giikin at pahiran ang butil, ngunit hindi pa kumikilos si Boaz. Tulad ng maraming nakikialam na biyenan, nagpasiya si Naomi na gipitin si Boaz.

Sinabi ni Naomi kay Ruth na maligo, maglagay ng pabangong langis, at magbihis ng maayos. Sa pagsasabi nito sa kanya, inutusan siya ni Naomi na ihinto ang pagbibihis bilang isang babaeng nagluluksa at sa halip ay bilang isang bumalik na sa pang-araw-araw na buhay. Sinabi niya kay Ruth na hanapin si Boaz sa giikan, alisan ng takip ang mga paa nito, at humiga. Pagkatapos ay sinabi niya kay Ruth na hintayin si Boaz na kumilos.

Inutusan ni Naomi si Ruth na bumisita sa gabi sa isang lugar na walang kagalang-galang na babae ang pupunta at makikipagkita sa isang lalaking walang asawa. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa plano ni Naomi, si Ruth ay halos nag-aanyaya sa pagsalakay sa kanyang sarili. Ano ang dapat isipin ni Boaz nang ang isang malinis, mabango, at may magandang damit na dalaga ay umakyat sa kama kasama niya sa kalagitnaan ng gabi? Siya ay tiyak na makakaisip ng maling ideya. Gayunpaman, maaaring iyon ang layunin ni Naomi. At sinunod siya ni Ruth. Ang payo ni Naomi kay Ruth ay waring nagmula sa kawalan ng pasensya sa panahon ng Diyos at parang kawalang-ingat din ang naging dahilan ng kanyang pamilya sa Moab noong una.

Mula sa pananaw ng kawalang-hanggan, ang oras ng Diyos ay laging perpekto. Maaari tayong mawalan ng pasensya sa oras ng Diyos at mag-alinlangan sa Kanyang katapatan. Madalas nating sinisikap na madaliin ang kamay ng Diyos kapag ginagawa Niya ang Kanyang soberanong kalooban. Marahil ay hindi tayo umabot sa ginawa nina Naomi at Ruth, ngunit patuloy pa rin tayong sumusugod at ipinipihit ang takbo ng ating kinabukasan. Mas ginugusto nating gumanap bilang Diyos kaysa magtiwala at maghintay sa Kanya. Ang kasulatan ay higit pa sa malinaw na dapat tayong maghintay sa Panginoon; mahigit apatnapung beses, sinasabi sa atin ng Kasulatan na gawin ito.

Ang pagtitiwala sa tiyempo ng Diyos at paghihintay sa Kanya ay maaaring maging mahirap. Napansin kong balintuna ang utos ni Naomi kay Ruth na hintayin si Boaz. Si Naomi ay ayaw maghintay sa Diyos ngunit sinabi kay Ruth na hintayin si Boaz na kumilos. Para itong pagpuna sa iba ng sarili mong kapintasan! Bago natin mabilis na husgahan si Naomi, maaaring kumilos siya dahil sa malalim na pananampalataya. Marahil ay nagtiwala si Naomi na gagamitin ng Diyos ang kanyang mapanganib na pamamaraan upang maisakatuparan ang Kanyang kabutihan. Sa huli, sa kabila ng mga pagkilos ni Naomi, ang mga layunin ng Diyos ay nanaig.

May mga bahagi ba sa iyong buhay kung saan naghihintay ka sa tiyempo ng Diyos? Marahil ikaw ay walang asawa, naghihintay na makilala ang iyong mapapangasawa, o walang trabaho at naghahanap ng bagong mapapasukan. Marahil ay nahihirapan kang magka-anak at naghihintay ng pagpapala ng Diyos sa mga anak. Sinasabi sa atin ng Kasulatan na ang Diyos ay hindi mabagal sa pagkilos. Perpekto ang tiyempo Niya!

Huwag mo akong masamain, AYAW KO sa paghihintay. Ngunit kinikilala ko na ang paghihintay ay tiyak na makapagpapalaki ng ating kamalayan sa kahanga-hangang probidensiya ng Diyos. Minsan, nagiging malinaw na kailangan nating maghintay para sa mga pangyayari na maganap sa kanilang sariling oras. Ngunit naisip mo na ba na ang layunin ng paghihintay ay ang pagtuturo sa iyo ang Diyos?

Sa anong mga bahagi ng iyong buhay hiniling sa iyo ng Diyos na maghintay? Ano kaya ang itinuturo Niya sa iyo habang naghihintay ka sa Kanya?

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Ruth: A Story of God’s Redeeming Love

Marahil isa sa pinakakahanga-kahangang maikling kuwento sa lahat ng panahon, ang aklat ng Ruth ay isang salaysay ng tumutubos na pag-ibig ng Diyos. Ang aklat ng Ruth ay isang kamangha-manghang kuwento kung paano ginagamit ng Diyos ang buhay ng mga ordinaryong tao upang matupad ang Kanyang soberanyang kalooban. Sa pamamagitan ng magagandang mga alegorya ng pag-ibig at sakripisyo ni Cristo para sa Kanyang mga tao, ipinapakita sa atin kung gaano kalaki ang ginagawa ng Diyos upang matubos ang Kanyang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Armchair Theology Publishing para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.timothymulder.com/