Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ruth: Isang Kuwento ng Mapagtubos na Pag-ibig ng DiyosHalimbawa

Ruth: A Story of God’s Redeeming Love

ARAW 3 NG 7

Ang mga salita ni Ruth kay Naomi sa Ruth 1:16-17 ay kabilang sa mga katangi-tanging kataga sa buong Kasulatan. Itong eleganteng pagpapahayag ng pagmamahal at katapatan na ito ay kadalasang ginagamit sa mga kasalan. Ngunit ipinagtapat din ni Ruth ang kanyang pagbabagong-loob sa iisang tunay na Diyos. Nakilala niya ang Diyos ni Naomi bilang isang mapagmahal na Diyos na ang kapangyarihan at biyaya ay lumampas sa mga hangganan ng Israel. Ang desisyon ni Ruth na sundin si Naomi at ang kanyang Diyos ay magbubunga ng isang buhay na higit pa sa lahat ng naiisip niya.

Ang bawat parirala ng pahayag ni Ruth ay magandang himay-himayin.

-“Saanman kayo pumunta, doon ako pupunta.” – sa pagsasabi nito, sinabi ni Ruth kay Naomi na hindi niya siya iiwan. Si Ruth ay nagpakita ng makadiyos na debosyon kay Naomi. Susundan niya si Naomi saan man sila magpunta. Mas naramdaman ni Ruth ang pagiging malapit kay Naomi kaysa sa sarili niyang mga kababayan. Ang kanyang pangako kay Naomi ay isang panghabambuhay na pagsasamahan.

-“Kung saan kayo tumira, doon din ako titira” – ay pagpapalawig ng “saanman kayo pumunta, doon ako pupunta,” ang pahayag na ito ay nagpakita ng pagmamahal ni Ruth kay Naomi sa mas malalim na antas. Hindi mahalaga kung si Naomi ay nakatira sa mga barungbarong o isang mansyon; mananatili si Ruth sa kanya. Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Kung saan ka nakatira, doon ako titira.” Ipinahayag ni Ruth ang kanyang layunin na maging isang tunay na anak kay Naomi. Napakagandang pahayag ng pag-ibig ito!

-“Ang inyong bayan ang magiging aking bayan, at ng inyong Diyos ang magiging aking Diyos” – kasama ng pagtatapat na ito, ipinahayag ni Ruth ang kanyang bagong tuklas na pananampalataya. Ginamit ni Ruth ang wika ng tipan ng Diyos, gaya ng ipinapakita sa Exodo 6:7 at Zacarias 8:8. Sinipi ni Ruth ang mga pangako ng Diyos sa tipan at binanggit pabalik sa Diyos. Minahal niya si Naomi at ang Diyos ni Naomi nang may makadiyos na pag-ibig. Nagbigay si Ruth ng magandang halimbawa ng isang bagay na dapat nating gawin sa panalangin: banggitin ang mga pangako ng Diyos pabalik sa Kanya. Hindi dahil kailangan tayo ng Diyos na paalalahanan Siya ng Kanyang mga pangako. Hindi Niya nakakalimutan ang mga ito. Nais Niyang ulitin natin ang Kanyang mga pangako dahil nakakalimutan natin ang mga ito. Ang katapatan ni Ruth sa Diyos ang pundasyon ng kanyang dedikasyon kay Naomi.

-"Kung saan kayo mamatay, doon ako mamamatay, at doon din ako malilibing." – Sa sinaunang Gitnang Silangan, kung saan ka inilibing ay ipinahiwatig kung aling diyos ang iyong sinasamba. Idiniin ni Ruth ang kanyang pananampalataya sa iisang tunay na Diyos sa pagsasabing ililibing siya sa Israel. Kahit na ang kamatayan ay hindi makapaghihiwalay kay Ruth kay Naomi.

Sa pagsama kay Naomi sa Bethlehem, ipinagkaloob ni Ruth ang kanyang sarili sa pamumuhay ng isang mahirap na balo. Gayunpaman, bilang bahagi ng Kanyang matatag na pag-ibig, pinangangalagaan ng Diyos ang mga balo. Naniwala si Ruth dito. Hindi lamang siya nagkaroon ng pananampalataya sa Diyos; siya ay sakripisyong nakatuon sa Kanya. Sa Mateo 19:29, ipinahayag ni Jesus na sinumang umalis sa pamilya o tahanan upang sumunod sa Kanya ay tatanggap ng pamilyang iyon pabalik ng isandaang ulit at tatanggap ng buhay na walang hanggan. Hindi pa nakikita ni Ruth ang mga pagpapalang ito na ipinangako ng Diyos, ngunit handa siyang humakbang sa pananampalatayang nagbabago sa buhay.

Paano naman ikaw? Gaano katatag ang iyong pananampalataya sa mga pangako ng Diyos? Ano ang handa mong isakripisyo para sa Kanya?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ruth: A Story of God’s Redeeming Love

Marahil isa sa pinakakahanga-kahangang maikling kuwento sa lahat ng panahon, ang aklat ng Ruth ay isang salaysay ng tumutubos na pag-ibig ng Diyos. Ang aklat ng Ruth ay isang kamangha-manghang kuwento kung paano ginagamit ng Diyos ang buhay ng mga ordinaryong tao upang matupad ang Kanyang soberanyang kalooban. Sa pamamagitan ng magagandang mga alegorya ng pag-ibig at sakripisyo ni Cristo para sa Kanyang mga tao, ipinapakita sa atin kung gaano kalaki ang ginagawa ng Diyos upang matubos ang Kanyang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Armchair Theology Publishing para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.timothymulder.com/