Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Baliktad na Kaharian: Isang 8-Araw na Pag-aaral sa Mga Mapapalad (Beatitudes)Halimbawa

The Upside Down Kingdom: An 8 Day Study Through the Beatitudes

ARAW 5 NG 8

Ang Mukha ng Awa

Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos. Mateo 5:7

SIMULAN NATIN

Isang 70-taong-gulang na babae na nagngangalang Marinella Beretta ang natagpuang patay sa Prestino, malapit sa Lawa ng Como sa hilagang Italya. Nakaupo siya sa kanyang mesa na tila natuyot nang matuklasan ng pulisya ang kanyang labi nang higit sa dalawang taon matapos siyang mamatay. Lumalabas na hindi nakita ng kanyang mga kapit-bahay si Marinella sa loob ng hindi bababa sa dalawang taon matapos siyang mamatay. Siya ay "nagbigay-katauhan sa kalungkutan," ayon kay Massimo Gramellini, isang mamamahayag na sumulat tungkol sa kanya. “Ang mga tao ay namamatay nang mag-isa. At namumuhay tayong mag-isa, na halos mas masahol pa."

Ang mga pangwakas na salita ng kanyang artikulo ay nakakalungkot: “Ang misteryo ng buhay ng hindi nakikitang si Marinella sa likod ng nakasarang bakod ng kanyang kubo ay nagtuturo sa atin ng isang nakakatakot na aral. Ang tunay na kalungkutan ay hindi yaong hindi napansin ng iba ang kanyang kamatayan. Ang tunay na kalungkutan ay hindi nila naisip na si Marinella Beretta ay buhay pa.”

DEBOSYONAL NA PANANAW

Matapos tanggapin ang awa ng Diyos, kailangan nating kilalanin ang pangangailangan ng iba. Madali nating balewalain ang pangangailangan ng mga miyembro ng ating pamilya na nakatira sa ilalim ng iisang bubong, lalo na ang mga kapitbahay at kaibigan na hindi natin nakikita. Ngunit tayo ay tinawag upang mapansin sila.

h3>OBSERBASYON

Tinatawag tayo ni Jesus upang mapansin ang iba, na maging maawain at tanggapin ang kanilang pangangailangan. “Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila'y nanlulupaypay at litung-lito, parang mga tupang walang pastol” (Mateo 9:36). Ito ang puso ng mga talata ng Ang Mga Mapapalad—na naunawaan ni Calvin bilang pagdurusa kasama ang ating kapwa, o kung ano ang tinatawag natin ngayon na empatiya.

Ang pagpapakita ng awa ng Diyos ay magdudulot hindi ng maliit na agos ng awa, kundi isang napakalaking pagbaha. “Lumapit si Pedro at nagtanong, 'Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?’” (Mateo 18:21).

Ang pagpapatawad ay hindi isang halimbawa ng simpleng kabutihang-loob; ito ay isang eskatolohikal na gawain ng pananampalataya at pag-asa. Sa ibang salita, sa pagpapalawak ng pagpapatawad sa iba, ipinapakita natin ang ating paniniwala na babalik si Cristo at maawaing itatama ang lahat ng bagay. Ang ating kaligtasan ay nagpapahintulot sa atin na harapin ang pinakamatinding anyo ng kasamaan nang may pag-asa. “Kung saan dumami ang pagsuway,” sabi ni Pablo, “lalong sumagana ang kagandahang-loob” (Mga Taga - Roma 5:20).

APLIKASYON

Dahil ang Diyos lamang ang makakapagpagaling nang lubusan sa ating mga sugat at makapagbibigay-buhay sa mga patay, kailangan nating magkaroon ng Kanyang maawaing puso kung tayo ay magpapatawad sa iba. Dahil dito, sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” (Lucas 23:34). May masasabi pa ba tayo rito?

Manalangin tayong baguhin ng Panginoon ang ating matigas at hindi nagpapatawad na mga puso. Sa bawat pagkakataon na magpapalawig tayo ng awa, pagpapatawad, at malasakit sa ngalan ni Cristo—isang pag-ibig na nagpapatawad sa iba sa kanyang pagkakasala—tinutumbok natin ang Kanyang darating na paghahari, isang pagpapala ng kaharian na ating tinatamasa dito sa lupa tulad ng sa langit.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Upside Down Kingdom: An 8 Day Study Through the Beatitudes

Sa mga talata tungkol sa Ang mga Mapapalad (Mateo 5:2–12), hinihikayat tayo ni Jesus na ihiwalay ang ating sarili sa mundo at mamuhay na hindi umaayon sa kultura at may bagong pagkakakilanlan na nakaugat sa Kanya. Sinusuri ng Upside Down Kingdom ang hindi kapani-paniwalang karunungang ito at tinutuklas ang kahalagahan nito sa kasalukuyan.

More

Nais naming pasalamatan ang Crossway sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaring bumisita sa: https://www.crossway.org/