Pagsamba sa DiyosHalimbawa
Mga Espirituwal na Kaloob at Pagsamba
Kapag ginamit ang mga kaloob na propesiya at pagsasalita sa iba't-ibang wika sa isang simbahan, nagbubunga ito ng mga pagbabalik-loob. Noong nagsagawa ng mga himala si Jesus, sinasabi Niya, "Pumunta ka at magpasuri sa pari; hayaan mong tingnan ka niya. Hayaan mong makita niya na hindi ka na isang ketongin." Hindi kinailangan magmalabis sa pagpapahayag at magkunwari.
Ang totoong mga kaloob ng Espiritu ay mangangahulugang ang mga himala ay magiging walang alinlangan; ang mga paggaling ay walang alinlangan—ang mga tao ay magbabago.
Ngunit kahit na ang mga kaloob ay walang pagaalinlangang ginagamit, hindi lahat ng Cristiano ay mayroon ng mga ito. Lahat tayo ay mayroong kanya-kanyang kaloob, at bawat kaloob na iniatang sa ating mga balikat ng Diyos at ibinigay sa atin ay kapwa mahalaga sa katawan. Sa ating pisikal na katawan, kung mayroon tayong namamagang kuko sa paa, magiging miserable tayo buong araw. Ang pinakamaliit na bahagi ng ating katawan ay maaaring makaapekto sa kabuuan.
Kapag nakarating tayo sa kalangitan, ang pagkilala doon ay hindi katulad ng makamundong pagkilala. Sa langit, ang sinumang maliit na kuko sa katawan ay gagantimpalaan katulad ng mga mata kung siya ay naging tapat sa kanyang gawain.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang bawat pang-araw-araw na babasahin ay nagbibigay kaalaman kung paano sambahin ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay at magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa upang lubos na ituon ang kanilang mga puso sa kanilang relasyon kay Cristo. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni R. T. Kendall na pinamagatang Worshipping God. (Si R. T. Kendall ay ang pastor ng Westminster Chapel sa London, Englang, nang dalawapu't limang taon.)
More