Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba sa DiyosHalimbawa

Worshipping God

ARAW 1 NG 6

Pamumuhay na Pagsamba

Noong ako ay isang oboista sa isang orkestrang simponiya, natutunan kong kapag nagbibigay ang konduktor ng isang piyesa, nais niyang sanayin ito ng lahat ng miyembro sa linggong iyon. Kaya kinakailangan kong iuwi ang piyesa sa bahay. At kung gaano kagaling ang orkestra sa susunod na pagsasanay ay depende kung gaano kabihasa ang bawat miyembro sa pagganap ng kanyang bahagi.

Ganoon rin sa pagsamba. Kung mga mapagpanggap tayo, walang katotohanan ang pagpapahayag natin ng pananampalataya, kapag nagpupunta tayo sa simbahan upang umawit at sumamba, mawawala tayo sa tono at hindi tayo nakagagawa ng musikang nakalulugod sa Diyos.

Kung ano tayo bilang indibidwal, bente kwatro oras sa isang araw, ang mas mahalaga kaysa sa kung ano ang nangyayari sa loob ng simbahan isang beses sa isang linggo. Ang lihim ng katanggap-tanggap na pagsamba ay nakasalalay sa kung paano tayo makisalamuha sa bahay o sa ating trabaho, at kapag tayo ay nag-iisa at walang nakaaalam ng ating ginagawa. Ito ay nakasalalay sa ating kabuuang pamumuhay.

Ang pamamaraang dapat nating ginagawa upang iwasan maging mapagpanggap anim na araw kada linggo ay ang pagsasabuhay ng Salita ng Diyos sa ating mga buhay. At upang magawa ito, kailangan nating ipagbawal ang lahat ng uri ng kapaitan mula sa ating mga buhay. Nararapat nating hangarin na maging puno ng pag-ibig at ng lubos na pagpapatawad at pagtanggap sa bawat isa. Dapat tayong mamuhay nang may pagsisisi, hangad sa bawat pagkakataon ang mahalin at paglingkuran ng Diyos sa kabanalan, pagpapakumbaba, at panalangin.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Worshipping God

Ang bawat pang-araw-araw na babasahin ay nagbibigay kaalaman kung paano sambahin ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay at magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa upang lubos na ituon ang kanilang mga puso sa kanilang relasyon kay Cristo. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni R. T. Kendall na pinamagatang Worshipping God. (Si R. T. Kendall ay ang pastor ng Westminster Chapel sa London, Englang, nang dalawapu't limang taon.)

More

Nais naming pasalamatan sina R. T. Kendall at Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/kendallkindle