Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba sa DiyosHalimbawa

Worshipping God

ARAW 2 NG 6

Panalanging Puno ng Espiritu

Ang kilalang pastor sa buong mundo, na si Arthur Blessitt, ay nagkwento tungkol sa isang iglesia na nagkasundong magkita isang Sabado ng hapon upang manalangin para sa isang revival o pagbabalik-loob. Mga apatnapung kalalakihan ang dumalo, umupo sa isang malaking bilog na pangkat, at nagsimulang manalangin.

Ngunit wala doon ang anumang presensya ng Diyos.

Sa sandaling iyon napatingin si Arthur sa labas ng bintana, at napansin niya ang isang kainan sa kabilang kalsada. Nakaramdam siya ng udyok upang pumunta roon, kaya siya ay dali-daling umalis.

Tumayo siya sa may pintuan at nagsalita, "Mayroon ba sa inyo na naririto ang nais na maligtas?"

Isang serbidora ang sumagot, "Ako."

Kaya ipinaliwanag niya sa kanya ang mabuting balita, at inakay siya sa Panginoon.

Pagkatapos ay tinanong niya kung mayroon ba sa mga tao sa kabilang kalsada ang kahit kailan ba ay nagtungo sa kanya at nakipagusap tungkol kay Jesu-Cristo o inanyayahan siyang dumalo sa simbahan.

Sumagot siya, "Wala, ni isa man."

Samantalang panay sa pagdarasal tungkol sa pagbabalik-loob ang mga taong iyon.

Huwag mong limitahan ang Espirtu sa pag-iisip na ang iyong pamilyar, at maginhawang pamamaraan ng pagsamba ay ang pamamaraang nais Niya. Ang apatnapung kalalakihang iyon ay dapat na matanggal sa kanilang kawalan ng buhay. Ang pagsamba at panalangin sa ilalim ng udyok ng Espiritu ay nangangahulugang pagsunod sa Espiritu.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Worshipping God

Ang bawat pang-araw-araw na babasahin ay nagbibigay kaalaman kung paano sambahin ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay at magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa upang lubos na ituon ang kanilang mga puso sa kanilang relasyon kay Cristo. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni R. T. Kendall na pinamagatang Worshipping God. (Si R. T. Kendall ay ang pastor ng Westminster Chapel sa London, Englang, nang dalawapu't limang taon.)

More

Nais naming pasalamatan sina R. T. Kendall at Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/kendallkindle