Pagsamba sa DiyosHalimbawa
Paano Magkaroon ng Buhay na Pagsamba
Kailangan natin hayaang maging Diyos ang Diyos sa atin. Ang ibig sabihin nito ay kailangan rin natin Siyang hayaan na maging Siya sa iba. Hindi dapat tayo nanghuhusga ng istilo ng pagsamba ng ibang tao.
Ngunit ang pagsamba na isang elitista o ibinaba sa antas ng sikat na pang-aliwan, pagsamba na emosyonal o estetika ay pagsambang sa pangalan lamang. Mayroon itong panlabas na anyo na walang katotoohanan. Ang dapat nating hangarin ay ang buhay na pagsamba. Ngunit paano nga ba magkaroon nito?
Ang ating mga simbahan ay hindi dapat maging mga lugar kung saan ang mga taong hindi nagsisisi ay nagpupunta tuwing Linggo dahil "gusto nila ang pagsamba." Ang ating mga simbahan ay dapat mga lugar kung saan hindi komportable ang mga taong hindi nagsisisi sapagkat ang Espiritu ang mahalaga at dapat na nangunguna. Ang dapat na gumagabay na prinsipyo sa atin ay ang pagsunod sa Espritu—kahit saan man Niya tayo dalhin.
Totoo ang Awit 37:4, sinuman tayo o alinman ang nais natin. Ngunit kapag hinanap natin ang ating kaligayahan sa Diyos, ang ilan sa ating mga pagnanais ay mawawala at mapapalitan ng mga bagong ambisyon. Kaya hindi magiging sapat na magkaroon ng konkretong layunin kung pagbabatayan lamang natin ay ang anyo ng pagsamba na kailangan gawin. Dapat nating unahin na siguruhin na tayo ay nagagalak sa ating mga sarili sa Panginoon at saka tingnan kung ano ang gagawin ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang bawat pang-araw-araw na babasahin ay nagbibigay kaalaman kung paano sambahin ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay at magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa upang lubos na ituon ang kanilang mga puso sa kanilang relasyon kay Cristo. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni R. T. Kendall na pinamagatang Worshipping God. (Si R. T. Kendall ay ang pastor ng Westminster Chapel sa London, Englang, nang dalawapu't limang taon.)
More