Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba sa DiyosHalimbawa

Worshipping God

ARAW 4 NG 6

Pagsamba na may Buong Pagkatao

Kapag tayo ay nagsasalita sa udyok ng Espiritu, sa isang diwa ay tayo ay nagsasalita tungkol sa damdamin. Inaamin kong mapanganib ito dahil ang damdamin ay maaaring magbunsod sa tao na gumawa ng mga kakaibang bagay.

Ang mga taong sobrang maingat, hinihimok ng damdaming makasalanan, ay maaaring maghangad na bawiin ang isang hangal at maling aksyon sa pamamagitan ng paggawa ng sa tingin nila ay kalooban ng Diyos. Maaaring isipin ng isang tao na nakadarama siya ng udyok ng Espiritu gayong ang tanging ginagawa niya lamang ay ang gumawa ng makataong pagsisikap upang pagsisihan ang isang pagkakamaling nagawa niya sa nakaraan. Ang udyok ng Espiritu, kapag sinunod, ay palaging naghahatid ng pakiramdam ng napakalaking kapayapaan.

Napakadaling isipin na ang tanging pagpapasiglang mahalaga ay ang katalinuhan ng utak o kalaliman. Ngunit nais ng Diyos na makipag-ugnayan sa atin hindi lamang sa intelektwal na antas. Nais ng Diyos na makipag-ugnayan gamit ang buo nating pagkatao—kabilang ang ating mga damdamin at mga pandama pati na ng ating mga isipan.

Ang totoong pagsamba ay nangyayari kapag tayo ay hindi takot na ipahayag ang ating nararamdaman. Ang pagsamba ay dapat na magdala sa atin sa puntong kaya nating magpakatotoo. Hindi kailanman natin kailangan kimkimin ang ating nararamdaman kapag tayo ay kasama ni Jesus. Hindi kailanman Niya tayo pagagalitan para sa ating katapatan. Hindi ito nangangahulugan na tayo ay tama, ngunit kung tayo ay nagpapakatotoo, kaya Niya tayong tulungan at dalhin na makita kung saan tayo nagkamali at upang harapin ang katotohanan.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Worshipping God

Ang bawat pang-araw-araw na babasahin ay nagbibigay kaalaman kung paano sambahin ang Diyos sa bawat aspeto ng buhay at magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa upang lubos na ituon ang kanilang mga puso sa kanilang relasyon kay Cristo. Ang debosyonal na ito ay batay sa aklat ni R. T. Kendall na pinamagatang Worshipping God. (Si R. T. Kendall ay ang pastor ng Westminster Chapel sa London, Englang, nang dalawapu't limang taon.)

More

Nais naming pasalamatan sina R. T. Kendall at Charisma House sa pagbahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://bit.ly/kendallkindle