Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Asin at LiwanagHalimbawa

Salt And Light

ARAW 5 NG 5

Ano ang ninanais ni Jesus na maunawaan natin tungkol sa ating layunin nang inilarawan Niya ang Iglesia bilang "asin ng mundo?"

Gaano ba tayo kagaling sa pagpapakita ng liwanag ni Cristo sa pamamagitan ng ating salita at gawa? Anong mga hakbang ang maaari nating gawin, isa-isa at bilang iglesia, upang maging mas tapat at mabisa tayo sa ating pagiging patotoo para kay Jesus. 

Maaaring ang ibig sabihin ng pagiging asin ay ang pananalangin para sa mga bansang may nagaganap na digmaan. Pwedeng ang ibig sabihin ng pagiging liwanag ay ang pagsasakripisyo para sa mga taong naghihirap. Dapat hangarin ng Iglesia ang katarungan para sa mga inaapi at mahalin ang mga itinataboy ng lipunan, katulad ng ginawa ni Jesus.

SaGenerous Justice, si Tim Keller, isang pastor at teologo, ay nagsulat ng ganito, "Kapag sinasabi ng Biblia na gumawa para sa katarungan, ang ibig sabihin nito ay ang pamumuhay sa paraang nagkakaroon ng isang malakas na komunidad kung saan ang mga tao ay maaaring lumago, upang ayusin ang mga kayo ng kapayapaang nasira. Ito ay nangyayari kapag pinagtutuunan natin ang pangangailangan ng mga mahihirap."

Tinawag ni Jesus ang iglesia at binigyan ito ng karapatang makiisa sa misyon ng Diyos na tubusin at ibangong muli ang sansinukob. Para sa paglilimi ng isang maliit na grupo patungkol sa pagiging Asin&Liwanag, i-download ang mas malalim pang pag-aaral ng Tearfund.What’s My Part: Finding Your Place In The Mission Of God.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Salt And Light

Tinawag ni Jesus ang Iglesia upang maging asin ng mundo at liwanag ng daigdig - mga katangiang kinakailangan para sa isang buhay na masagana. Tinutuklas ng pag-aaral na ito kung paanong tayo ay dapat mabuhay bilang asin at liwanag sa ating paglalakbay bilang Cristiano.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.tearfund.org/yv