Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Asin at LiwanagHalimbawa

Salt And Light

ARAW 4 NG 5

Kapag ang Iglesia ay kumikilos bilang asin at ilaw, ito ay nakakapagbago ng buhay. Tulad na lang sa nangyari kay Elizabeth, isang 64 na taong gulang na lola sa kanyang labing-apat na apo sa Uganda. Walong taon na ang nakakalipas, sinimulang gamitin ng kanyang iglesia ang prinsipyong nagmula sa Tearfund at ito'y nakatulong sa mga gawain ng lokal na simbahan upang makipagtulungan sa komunidad para masolusyunan ang kanilang pangangailangan gamit ang kani-kanilang pansariling kakayahan.

Muling natuklasan ng komunidad ni Elizabeth ang pakay ng Diyos para sa kanilang buhay. Sabi niya: "Nakatulong sa paggising ng komunidad ang pag-aaral ng salita ng Diyos sa ganitong paraan."

Sa halip na isipin nilang walang-wala ang iglesia, natuklasan nilang meron pala silang mga kakayahang pwedeng gamitin. Sama-samang napagtanto ng komunidad ang kanilang malalaking problema at nagtulung-tulong sila upang mabago ang mga bagay-bagay.

Dati-rati, suliranin nila ang kakulangan sa tubig. Kinakailangang maglakad ng mga tao ng tatlong milya araw-araw para lang kumuha ng tubig na panluto, panlinis at pang-inom. Ang prosesong ito ay nagbigay daan upang ang mga tao ay matutong maghukay upang makagawa ng balong malapit sa kanilang mga tahanan. 

Mataas din ang antas ng dami ng namamatay sa mga kababaihang nanganganak. Dahil ang pinakamalapit na ospital ay 8 milya pa ang layo, kapag ang isang ina ay manganganak na, lalo na at sa gabi, walang paraan upang makahingi pa ng tulong. Kaya mismong ang komunidad ang nagsanay ng sampung tao na maaaring tumulong sa mga nanganganak 

Napakalaki ng naging pagbabago sa komunidad ni Elizabeth. Ngayon, ang mga tao ay gumagamit na ng mga ladrilyo para gumawa ng mas ligtas na mga bahay, nagpapalaki na ng sariling mga hayop, naghuhukay para gumawa ng fishpond, nagtatanim ng punong sitrus, at naglilinang ng maraming pananim. Sadyang pambihira ang pagbabagong nangyari sa kanilang komunidad dahil ninais ng Iglesiang maging kakaiba upang maging kamay at paa ni Jesus.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Salt And Light

Tinawag ni Jesus ang Iglesia upang maging asin ng mundo at liwanag ng daigdig - mga katangiang kinakailangan para sa isang buhay na masagana. Tinutuklas ng pag-aaral na ito kung paanong tayo ay dapat mabuhay bilang asin at liwanag sa ating paglalakbay bilang Cristiano.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: http://www.tearfund.org/yv