Asin at LiwanagHalimbawa
Noong unang panahon, ang asin ay mahalaga sa buhay. Ang mineral na ito ay ginagamit panggamot bilang natural na antiseptiko upang linisin ang mga sugat at patayin ang mga bakterya. Ang asin ay ginagamit din upang panatilihing sariwa ang pagkain, lalo na sa mga lugar na may mainit na klima kung saan mabilis masira ang mga pagkain, at ginagamit din itong pampalasa gaya ng sa kasalukuyan.
Sa Banal na Kasulatan, binalaan ni Jesus ang Kanyang mga alagad tungkol sa pagkawala ng kanilang alat. Malamang ang asin na ginagamit noong panahong iyon ay hinukay mula sa baybayin ng Dagat Patay. Isang hindi malinis na deposito ng asin ang nabuo na parang tisa ang materyal, parang asin ngunit wala ito ng mga katangian ng isang tunay na asin. Habang dumadaan ang panahon, ang tunay na asin ay natutunaw, at natitira ang walang silbing latak na nararapat lamang na itapon sa lupa.
Mayroong nakadidismaya sa isang bagay na may anyong asin ngunit walang katangian ng pagiging kagamit-gamit nito, Ito ang dahilan kung bakit nais ni Jesus na panatilihin natin ang sarili nating pagkakakilanlan bilang pagiging asin upang patuloy tayong magkaroon ng epekto sa mas malawak na daigdig. Ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng tamang kaugnayan sa Kanya at ang pagsunod sa Kanyang mga kautusan.
Ang Iglesia ay tinawag upang magbigay lasa sa bawat aspeto ng buhay at kultura, salungatin ang epekto ng kasalanan at kasamaan, at gawing mas mabuting lugar ang mundo para tayo ay umunlad.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinawag ni Jesus ang Iglesia upang maging asin ng mundo at liwanag ng daigdig - mga katangiang kinakailangan para sa isang buhay na masagana. Tinutuklas ng pag-aaral na ito kung paanong tayo ay dapat mabuhay bilang asin at liwanag sa ating paglalakbay bilang Cristiano.
More