Asin at LiwanagHalimbawa
Ang mga lampara ay napakahalaga para sa bawat sambahayan sa panahon ni Jesus. Pinupuno nito ng liwanag ang mga tahanan, upang itaboy at mapagtagumpayan ang kadiliman. Tayo bilang mga Cristiano ay may kaparehong tungkulin sa mundong ito.
Isipin mo ang isang mundong walang liwanag. Isipin mo ang lahat ng mga paraan kung paanong magiging iba ang buhay mo kung magkaganoon.
Ang ganoong uri ng mundo ay hindi magiging ligtas. Hindi natin makikita ang isa't-isa, at maraming mga gawaing hindi natin magagawa, at mahihirapan tayong makita ang ating nilalakaran. Ang mundong walang liwanag ay talagang nakakatakot dahil ang kadiliman ay madalas na taguan ng kasamaan at panganib.
Ayon kay Jesus, walang anumang gamit ang pagiging lihim na alagad. Itinuturing Niya ang sarili Niyang liwanag ng mundo—isang liwanag na hindi kayang apulain ng kadiliman.
Si Jesus ang liwanag ng mundo at itinuturo natin ang daan patungo sa Kanya sa pamamagitan ng ating patotoo sa salita at sa gawa. Kapag hindi tayo nakakatulong sa ibang taong matuklasan Siya, ang mundo ay mananatili sa kadiliman at hindi maaaring umunlad.
Maaari mong dagdagan ng liwanag ang kadiliman, ngunit hindi kailanman ang kadiliman sa liwanag. Dapat nating paliwanagin ang daan sa pamamagitan ng biyaya, pagmamahal at kahabagan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinawag ni Jesus ang Iglesia upang maging asin ng mundo at liwanag ng daigdig - mga katangiang kinakailangan para sa isang buhay na masagana. Tinutuklas ng pag-aaral na ito kung paanong tayo ay dapat mabuhay bilang asin at liwanag sa ating paglalakbay bilang Cristiano.
More