Asin at LiwanagHalimbawa
Inilarawan ni Jesus ang iglesia bilang asin at liwanag. Mga napakahalagang sangkap para sa ikabubuti ng tao. Kaya mo bang isipin kung ano ang mangyayari sa mundo kung wala ang mga ito?
Ang mang-aawit at lumilikha ng mga awiting si Rich Mullins ay minsang nagsabi, "Ang pananampalataya na walang kasamang gawa ay parang isang awit na hindi mo kayang awitin."
Tinatawag ni Jesus ang lokal na iglesia upang gampanan ang isang napakahalagang papel sa pagdadala ng buhay sa komunidad. Upang matupad nang mahusay ang pagkatawag na ito, mahalagang mapanatili natin ang ating pagkakakilanlan.
Sa aklat na,When Helping Hurts, isinulat ni Brian Fikkert na, "Hindi tayo makakaasa ng pagbabago sa mga tao kung walang pakikilahok ang lokal na iglesia at ang pagpapahayag ng Ebanghelyo na ipinagkatiwala rito."
Tinutulungan tayo ng taludtod na ito upang maunawaan natin ang pangangailangan sa pagkatawag sa atin. Binabaybay ni Jesus ang layunin ng Iglesia bilang tagapagpadala ng mga kaloob ng Diyos, at kung wala ito, ang buhay ay tunay ngang hindi posible.
Habang ang mundo ay padilim nang padilim at patabang nang patabang, paano tayong nagpapatuloy sa pagliliwanag? Paano natin napapanatili ang ating lasa?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tinawag ni Jesus ang Iglesia upang maging asin ng mundo at liwanag ng daigdig - mga katangiang kinakailangan para sa isang buhay na masagana. Tinutuklas ng pag-aaral na ito kung paanong tayo ay dapat mabuhay bilang asin at liwanag sa ating paglalakbay bilang Cristiano.
More